Chapter 43

3K 70 3


Hebe

"T-Teka... a-anong sabi mo?" hindi makapaniwalang sabi ni Ynna matapos kong ikwento sa kanya ang lahat! Lahat lahat tungkol sa pagkatao ko, pagkatao ni Kiro at ang papel ni Sky Del Rosario sa buhay ko "I-Ikaw ay isang C-Co?" I wiped my tears and nodded at her. Sobrang bigat na ng nararamdaman ko ngayon, sobrang umaapaw na ang mga dinadala ko! Kailangan ko ng mapagsasabihan at si Ynna lang ang pwede kong pagkatiwalaan!

Tumayo siya saka palakad-lakad sa harap ko. Halata sa reaksyon ng mukha niya ang pagkabigla "Y-Ynna... So-" natigilan ako ng iniangat niya ang kamay niya para patigilin ako sa pagsasalita. Nasa loob kami ng kwarto niya at minabuti kong dito muna tumuloy sa kanila. Hindi ko kakayaning umuwi sa ganitong kondisyon matapos ng mangyari sa amin ni Sky.

"Let me...Let me breathe for a moment Hebe...Oh no... Elaine...T-teka ano bang itatatawag ko sa iyo ngayon?" naguguluhan niyang sabi saka naupo sa kama niya.

"Ako parin ito Ynna..." sagot ko sa kanya "Kahit ano pang maging pangalan ko...Hebe man o Elaine, iisa parin ang taong nasa harap mo ngayon..." sagot ko saka ko narinig ang buntong hininga niya.

"Hebe..." she breathe out saka sinubukang pakalmahin ang sarili "You mean...All this time nagtatago ka lang?" tanong niya sa akin "N-Na nagsisinungaling kayo sa akin? Kayo ni Kiro?" hinawakan ko ang magkabilang kamay niya saka ako tumingin sa kanya.

"Sorry Ynna... komplikado ang lahat ng bagay... Hindi ako pwedeng lumantad dahil sa takot na mangyari ang nakaraan... Hindi ko pa alam kung bakit nangyari ang aksidenteng iyon... Hindi pa malinaw sa akin kung bakit pinapatay nila ang Daddy ko..." tuloy-tuloy kong sabi "P-pero Ynna, please... kailangan ko ng karamay ngayon...Please wag mo akong iwan..." pakiusap ko sa kanya saka niya pinunasan ang pisngi ko.

"Naiintindihan kita Hebe...Pero sana... sana sinabi niyo na sa akin noon pa..." may lungkot sa boses niya.

"Sorry Ynna... sorry..." hingi ko ng tawad

"Shhh...tahan na... tahan na..." alo niya sa akin saka hinawakan ang kamay ko, napakabuti ni Ynna, sobrang buti ng kalooban niya, nagpapasalamat ako kasi meron akong kaibigang tulad niya!

"Akala ko prince charming siya!" simula niya saka huminga ng malalim, napalitan ng galit ang mukha niya kanina "Akala ko gentleman siya! Akala ko perfect prince! Ideal Man! Mabait!" tumayo siya saka nag crossed arms "Oo gwapo siya! Mayaman! Matalino! Pero Hebe hindi ka niya dapat hinusgahan ng ganoon!"

Lumakad –lakad siya palibot ng kwarto "Kung mahal ka talaga niya... AYYY!-" nanggigigil niyang sabi "Kung mahal ka talaga tatanggapin niya kung sino ka! Kung ano ka! Kung anong meron ka! Sino siya para husgahan ka? Nakasama kaba niya sa loob ng 13 years na nagkahiwalay kayo?" galit na galit na sabi niya, napayuko na lang ako.

"Alam niya ba ang hirap na napagdaan mo sa loob ng mga taong iyon? Hindi HEBE! Hindi! T-teka..." bigla siyang natigilan "Sinabi mo ba na ampon mo si Chloe?" umiling ako saka umiyak ulit "Tama... tama yun! Kasi Hebe... Kung mahal ka niya talaga...kahit anak mo talaga si Chloe...kahit galing talaga siya sa laman at dugo mo, tatanggapin niya iyon! Pagnakita ko ang lalaking iyon, nakuuuuu titirisin ko ang gwapo niyang mukha!" saad ni Ynna saka kinuha ang teddy bear na nasa kama niya saka iyon sinuntok-suntok.

"Anong balak mo?" tanong niya sa akin, suminghot ako saka hinawi ang buhok ko "Tahan na... yung lalaking tulad niya, hindi iniiyakan yan eh... Sabi ko na eh... Noon pa! May relasyon na sila ng Trixie na iyon! Baka hindi niya maiwan kasi nabuntis na niya!"

"YNNA!" saway ko sa kanya, oo nasasaktan ako lalo sa sinasabi niya, mahal ko si Sky... mahal ko siya kahit pa ginawa niya sa akin iyon!

"Tignan mo... ang lakas ng tama mo sa lalaking iyon... 23 years..." hindi makapaniwala niyang sabi "23 years kang nag-antay...nagpakamartyr? Jusko Hebe!" saka niya sinalo ang ulo "Maloloka ako sa istorya niyo kapatid!"

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!