Chapter 40

3.3K 73 3


Hebe

Para akong lutang habang palakad papasok ng boardroom. Hindi ko na marinig ng maayos ang lahat ng inuutos ni Tita Sof panay na lang ako tango at oo sa kanya. B-Bakit k-kasama ni Sky ang babaeng iyon? Doon ba siya natulog sa lugar niya? Bakit hindi niya sinabi? Anong meron sa kanila?

Ang dami! Ang dami kong gustong itanong sa kanya!

"Saan si Sky?" tanong sa akin ni Tita Sophie, limang minuto na lang kasi magsisimula na ang meeting.

"A-Ah Mam hindi ko po alam..." sagot ko saka yumuko

"PAANONG HINDI MO ALAM? I TOLD YOU TO INFORM HIM ABOUT THIS MEETING AND I NEED HIM THIRTY MINUTES AHEAD OF TIME TAPOS SASABIHIN MO SA AKIN NA HINDI MO ALAM?" she shouted at me kaya naman nasa aming dalawa na ang mga mata ng tao sa paligid. Mas lalo akong nakaramdam ng panliliit dahil sa ginawa niya.

"S-Sorry po... I texted him po at sinabi ko po ang mga sinabi niyo..." sagot ko ng mahinahon.

"TEXT? WALA KA BANG PANTAWAG? HINDI BA GUMAGANA ANG TELEPONO NG OPISINA?" kinagat ko ang pang-ibaba kong labi saka huminga ng malalim para kalmahin ang sarili. Oo namuhay ako bilang isang mahirap sa loob ng mahigit sampung taon pero kahit kailan hindi pa ako napahiya ng ganito!

"M-Mam hindi ko po kasi ma-contact ang cellphone niya, out of coverage po..." pagsisinungaling ko

"AND TEXTING HIM IS YOUR SOLUTION TO THAT? KUNG HINDI MO SIYA MA CONTACT VIA CALL EDI MAS LALO MO SIYANG HINDI MAABOT THRU TEXT!" nangigigil niyang bulyaw sa akin

"Sorry po..."kasalanan ko ba na kung saan saan natutulog ang anak niyo? Kasalanan ko ba na kung sino-sino ang kasama niya?

"MISS-"

"I'M SORRY I'M LATE..." napatingin kami sa paparating, he was still putting his tie on at halatang nagmamadali siya. Naningkit ang mata ko ng makita na halata hindi siya prepared sa meeting at late na niyang natanggap ang message ko. Oo, tinext ko na lang siya dahil di ko na kakayaning marinig pa ang bukas niya along with a foreign woman voice.

"Sky where have you been?" may galit paring tanong ng Mommy niya. Isinuot niya ang suit niyang hawak hawak kanina bago sinagot ang Mommy niya. Kinuha niya ang panyo na nasa pwetan niya kanina saka pinunasan ang namamawis na noo.

"M-Mom I just finished some important appointment..." sagot niya sa Mommy niya at lihim akong natawa. Appointment? Kasama ang ibang babae? Anong klaseng appointment yan? I closed my fist and tried to calm myself.

Let him explain Elaine... Let him explain malay mo totoo naman ang sinasabi niya. Paulit-ulit na bulong iyon ng puso ko.

"Okay, I need you inside kailangan ka ng makilala ng lahat before the day I totally transfer you the company..." Sky nodded at her at sabay silang pumasok ng boardroom. Parang may kung anong kirot akong naramdaman ng hindi man lang niya ako tinapunan ng isang sulyap.

Miss? Gusto akong makita? Ni hindi ka nga niya tinignan eh...Para ka lang hangin sa kanya na hinayaan niya lang dumaan! Sigaw naman ng utak ko.

Lumipas ang dalawang oras at natapos na rin ang meeting. Sobrang pre-occupied ang utak ko at hindi ko maiwasang titigan si Sky habang nasa loob ng boardroom. Ilang beses siyang nagsalita at ilang beses rin siyang pinuri. Doon ko lang na-realized kung gaano siya kataas. Akala ko noon mahirap lang siyang abutin dahil sa pagiging pihikan niya. Akala ko noon hanggang pangarap ko lang siya dahil sa pagiging suplado niya. Hindi pala! Hindi lang pala yun ang dahilan para mag-alangan ka sa kanya kasi kung tutuusin, he is beyond my imagination.

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!