Chapter 39

3.2K 74 0

Hebe

Another day had passed at parang kulang ang araw ko. Wala si Sky at walang nangungulit sa akin ngayon. Nakatanggap ako ng goodmorning greetings niya kanina pero bukod doon wala na akong natanggap pang iba. Huminga ako ng malalim sa sinubukang ngumiti. Maraming trabaho si Sky at alam kong hindi biro ang ginagawa niya doon.

Kinuha ko ang ilang folders saka naglakad papasok sa office ng CEO. Dumating kasi si Haley ngayong araw para pag-usapan namin ang mga gusto niya para sa birthday niya. Kumatok ako bago pumasok. Una kasing ginalaw yung dating office namin ni Mam Liz, narinig ko kasi na lalakihan ang office at babaguhin ang interior design dahil bago na nga ang gagamit. Dalawang buwan ang allotted time sakto iyon sa paglipat ni Sky.

"Good Morning Mam..." bati ko kay Haley na naka upo sa swivel chair ng Mommy niya. Kagat-kagat niya ang drawing pencil niya at seryosong nakatingin sa sketch pad niya bago siya tumingin sa akin "Nandito po ako para I discuss ang lahat ng request niyo para sa darating niyong birthday..." saka ako umupo sa harap ng desk

"Okay..." sabi niya saka nilapag ang lapis na gamit katabi ang iba't-ibang kulay na sa tingin ko ay ginagamit niya sa pagdedesign ng damit "Let's see what you have there..." sabi niya saka kinuha ang dala kong folders

She scanned all the written documents there saka ko nakita ang paggalaw ng labi niya habang binabasa iyon isa-isa. Napangiti ako. Haley is a grown up lady now, she really looks like her mom at alam kong kasing talino niya rin si Sky. Parang dati lang kinakandong ko lang siya tuwing sasama ako sa family outing nila.

Nilista ko lahat ng lalabas sa bibig niya, lahat ng gusto niyang panatilihin sa mga inihanda ng Mommy niya at ang lahat ng mga gusto niyang baguhin. She happily smiled at me saka tiniklop ang mga folders "That's all!" she said saka tumayo na rin, ngumiti ako matapos niyang kunin ang bag niya at ipasok lahat doon ang drawing pad saka inalalayan ko na rin siyang makalabas ng office, dumiretso na rin ako agad sa powder room pagkatapos.

Lumabas ako ng cubicle saka naghugas ng kamay. Biglang tumunog ang cellphone ko at nakangiti akong sinagot iyon "Sky!" usal ko

"BE! How are you?" sumandal ako patalikod sa sink.

"Okay lang, medyo maraming work pero kaya naman ikaw? Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya

"Hindi pa eh, iba kasi gusto ko kainin..." biglang nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya, sinundan pa yun ng nakakaloko niyang tawa "Parang gusto ko ng strawberry..." napalunok ako "Na nasa-"

"Kumain ka na muna..." putol ko sa sasabihin niya kaya lalo siyang tumawa

"Uuwi na ako sa makalawa...labas tayo ah!" ngumiti ako saka kinagat ang pang-ibaba kong bibig.

"Okay..." sagot ko sa kanya

"I miss you..." I love you Sky

"Sige na... baka naaabala na kita..." sabi ko sa kanya, naglakad ako palabas ng CR habang kausap siya

"Sorry nga pala kasi nababaan kita ng phone kahapon... A-Ano kasi-" Napanganga ako ng mahulog sa sahig ang phone ko dahil sa may bumangga sa akin or should I say... binangga ko?

"OUCH!" maarte niyang sabi saka pinagpag ang balikat. Iniangat ko ang mukha ko saka ko nakita ang isang napakaputing babae. Naka soft curl ang buhok niya at sobrang ikli ng suot. Napaka revealing din ng suot niya at kitang-kita ang cleavage niya. She removed her shades saka tumingin sa akin na nakataas ang kilay "ARE YOU BLIND? OR SADYANG TANGA KA LANG?" tanong niya sa akin saka sumimangot ulit.

Kumuha siya ng tissue sa bag niya saka pinunasan ang balikat niya na nabangga ko kanina. Pinulot ko ang cellphone ko saka tinignan iyon. "Aish..." bulong ko ng makita kong namatay iyon dahil sa malakas na pagkakabagsak.

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!