Chapter 38

3.7K 87 0

Hebe

Maaga akong nagising para ipagluto ng almusal ni Chloe at Kiro. Lunes nanaman at lahat nanaman kami aalis ng bahay. Oo, babalik na si Kiro sa pagtratrabaho dahil tuluyan ng gumaling ang paa niya. Hindi parin niya ako kinikibo at parang hangin lang akong dumadaan sa harap niya. Hindi ko na lang pinilit ang sarili ko dahil alam kong galit pa siya at ayaw kong lalo kaming mag-away.

Inayos ko na ang mesa at nagluto na rin ako para sa hapunan mamaya. Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi pero sisikapin kong dito kumain mamayang gabi para masaluhan ko ang dalawa. Narinig ko ang paglabas ni Kiro mula sa CR. Tapos na siyang maligo at pinupunasan niya ng maliit na tuwalya ang basa pang buhok. Nakatapis lang siya para sa pang-ibaba niyang katawan

"Kiro!" tawag ko sa kanya ng lalagpasan na niya ako mula sa kusina "Kumain ka muna bago ka umalis ah..." pakiusap ko sa kanya, hindi niya ako sinagot saka niya tinignan ang mga niluto kong pagkain.

"Andami mong niluto sana inisip mo yung mga masasayang..." sagot niya sa akin

Napayuko ako saka sumagot "K-Kunti lang naman yan s-saka gusto ko lang kayong ipagluto ni Chloe dahil natanggap ko na ang pang-unang sweldo ko..."nilapag niya ang tuwalya sa ibabaw ng sofa na nasa tapat niya "S-Saka minsan lang tayo makakain ng ganito Kiro...gusto ko sanang-"

"Gusto mo bang ipamukha sa akin na kaya mo ng pakainin kami ni Chloe ng masasarap na pagkain kasi may trabaho kana? Na malaki ang sinasahod mo sa kompanyang iyon? Gusto mo bang sabihin na yang mga pagkaing iyan ay di ko kayang ibigay noon dahil isang hamak na driver lang ako?"


"K-KIRO! HINDI YAN ANG GUSTO KONG SABIHIN!" I reasoned out saka akmang lalapit sa kanya pero nakita ko ang pag ngisi niya

"Magmamaneho ako hanggang gabi bukas na ang uwi ko ng hapon kaya kung ayaw mong masira yang niluto mo baonin mo na at ni Chloe..." saka niya ako iniwan sa kusina

Huminga ako ng malalim saka napaupo sa isang monoblock chair sa tabi ng lamesa. Alam kong ako ang may pagkakamali. Alam kong ako ang nagkulang. Malaki ang utang na loob ko kay Kiro at kahit kailan hindi niya ako pinabayaan...kami ni Chloe... Alam ko lilipas din ang sama ng loob niya at gagawin ko ang lahat para mangyari iyon!

Tinignan ko ang orasan ko, kailangan ko ng umalis. Naiayos ko na ang baon ni Chloe at ang isusuot na uniporme. Tatawag na lang ako kay Ynna mamaya para kumustahin sila.

---

"Hebe I need all the information regarding the renovation of our Hotel in Cebu..." tumangu-tango ako habang isinusulat lahat ng inuutos ni Tita Sof. Direkta na akong nag tratrabaho sa kanya ngayon dahil nagiging punong-abala ni Miss Liz sa ibang bagay tulad pamimigay ng relief goods at ibang donation sa mga nasalantang lugar ng nakaraang bagyo at lindol.

"..and I want updates tungkol sa pagdi-distribute ng mga tulong sa Tacloban at Aklan..." She took a sip from the cup of her hot chocolate saka tumingin ulit sa mga folders na nasa ibabaw ng mesa niya "Brenan's Family will arrive later to send their donations at ipapadala na rin sa lugar na affected mamaya... Please take note the number and varieties of medicines na ibibigay nila..."

"Opo..." sagot ko

"We are lucky dahil hindi naramdaman ang mga iyon dito sa Manila... I just... I just don't know what I will feel matapos kong makita ng personal ang situation ng ating mga kababayan doon..."

"Opo..." sagot ko, grabe nga ang nangyari "M-Mam..." saka ko inabot ang blueprints na pinadala sa akin mula sa Engineering department kanina. Mga plano yun ng housing project ng Del Rosario Group of Companies. Naglaan kasi sila ng ilang hektarang lupa at magtatayo ng isang daang bahay para sa mga kababayang nawalan ng tirahan sa Tacloban. Hindi man nila magbigyan lahat ng libo-libong apektado ng bagyo at lindol, alam kong malaki na ang naitulong nila para sa kanila.

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!