Chapter 37

3.9K 86 0

Hebe

Maaga akong nagising sa tabi ni Sky. Napangiti ako ng bumungad sa akin ang mukha niya na mahimbing na natutulog. Pinagmasdan ko ng mabuti ang mukha niya. Ang ilong niya. Ang pisngi niya. Ang tenga niya niya at ang...a-ang namumula niyang mga labi. I gently touched his cheek at narinig ko ang pag moan niya, tinanggal ko agad yun baka kasi magising ko siya.

I was about to stand up ng naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa beywang ko. Napangiti ako. Bumalik ako s apagkakahiga saka ko hinawi ang buhok niya. Sky...Sky hindi mo alam kung gaano ko hinihiling na sana hindi nalang ganito ang nangyari sa atin. Na sana hindi ka umalis ng gabing yun! Na sana hindi ako sumama kay Daddy! Na sana hindi tayo nagkalayo!

Sa tingin mo... tayo parin kaya kung hindi nangyari ang mga iyon? Sasagutin mo na kaya ako sa panliligaw ko sa iyo kung hindi lahat nangyari iyon? I sighed. Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin para mahalin kita ng ganito pero... hindi ko na kakayaning mawala ka pa ulit sa akin Sky.

Bumaba na rin kami agad matapos naming maghanda. Tinignan ko ang suot kong damit atsaka ako napangiti kahapon lang ang dumi nyun dahil sa putik! Nakangiti kaming sinalubong ng buong pamilya ng makarating kami ng dining table. Ay hindi pala, hindi pala sila lahat nakangiti. Si Toffer na putok ang labi nakabusangot at hindi maipinta ang mukha. Nagpanggap ako na nabigla ng makita ang mukha niya.

"Don't mind him..." rinig kong sabi ni Tita Eleonor "Nadulas siya sa burol kaya nagkaganyan..." kumunot ang noo ko saka napatingin kay Sky na umiwas ng tingin kay Tita Eleonor. Nakita ko rin ang pagyuko ni Maria, di ba alam ni Maria na kung saan sila ni Sky kagabi? Ano ang pinag-usapan nila matapos akong umalis?

Magkaibigan nga sila! Matapos ang nangyari hindi parin nagsumbong si Toffer sa Mommy niya, sabagay hindi na sila bata at kahit kailan naman hindi ko sila nakitang nag-away! Mabait naman si Toffer eh, ang ayaw ko lang siya ang nag iimpluwensya kay Sky ng mga bagay-bagay na ginagawa ng isang di matinong lalaki!

"Have a sit! Kakainin na tayo..." aya ng magulang ni Maria. We smiled back at them saka umupo na rin agad. Napangiti ako ng makita ang mga nakahandang pagkain. Mga lutong probinsya iyon at lahat mukhang masarap. Sky served me some food, sinandokan niya ako ng mga pagkaing sa tingin niya ay magugustuhan ko. Sky never been this sweet to me....not when I was Elaine...

Nakakaselos si Hebe...bakit si Elaine hindi niya nagawang pagsilbihan ng ganito matapos siyang ligawan for more than ten years?

Ininom ko ang freshly squeezed orange juice drink ko saka nagpasalamat sa masarap na pagkain. "Why don't you taste Maria's specialty?" saka inabot sa akin ang leche flan "She made it especially for you guys!" sabi ng mama ni Maria. Napatingin kami ni Sky kay Maria na namumula ang pisngi at nakangiti sa amin.

Maganda naman siya eh... Oo maganda siya, maganda ang mukha niya... maamo iyon at makinis. Maganda rin ang pangangatawan niya, naitatago lang dahil sa maluwang niyang damit. Magka size lang nga kami eh. Maganda ang balat niya at mukhang malambot. Sadyang... Sadyang naitatago lang ang kagandahan niya dahil sa way ng pananamit niya at pananalita.

Hindi ko alam ang rason kung bakit ganun siya pero sa tingin ko tulad ng ginagawa kong pagtago sa pagkatao ko... sa pagiging Elaine ko... alam ko at ramdam ko na may pinaghuhugutan rin siya!

"Hmmm ang sarap!" yun ang unang lumabas sa bibig ko ng matikman ang leche flan na ginawa ni Maria. Purong-puro iyon at tama lang ang tamis. Yung parang hindi sapat ang isang subo, kailangan sundan mo pa ng maraming beses!

"Salamat at nagustuhan mo!" rinig kong sabi niya, nakita ko si Toffer na hindi maipinta ang mukha kanina pa.

"Maraming salamat sa pagbisita..." inihatid kami ng buong mag-anak hanggang sa harap ng mansion. Tinignan ko ulit mabuti ang lugar, grabe ang ganda talaga dito. Kung magkakaroon ako ng pagkakataon na makapunta ulit dito sisiguraduhin kong dadalhin ko si Chloe...

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!