MHH-CHAPTER 35(mysterious)

Magsimula sa umpisa

"Hahaha. Hinde shaira, gutom lang si ate anne mo kaya siya ganyan." sabi ko sa bata. Tinignan naman ako ni anne ng masama. " ewan ko senyo! Mabuti at nagkakaintindihan kayong mga weirdo!" mataray na sabi niya at umalis na. Tinignan ko kung saan siya pupunta at doon siya dumiretso sa ilalim ng isang puno sa may upuan. "Shaira, halika may ikwekwento ako sayo pero gusto mo ba kumuha muna tayo ng pagkain?" ako. Biglang ginanahan si shaira at nagtatalon habang sinamahan ako sa cafeteria ng orphanage. "Hindi po kasi kami pinapayagan ni sister na kumuha palagi ng pagkain kaya mabuti na lang po at nandito ikaw kuya john!"  nginitian ko lang siya at pumili na ng gusto niyang pagkain.

"Ton-ton! Kulot! Buboy! Jane! Halikayo dito dali! Hihihihi. May pagkain!" sigaw niya sa di kalayuang mga bata. Tuwang tuwang nagsilapitan sa akin ang mga bata. Hahahaha! They are so adorable. Mabilis kong kinuha ang camera ko at pinicturan ang tuwang tuwang mga bata.

"Ang bait mo naman po kuya pogi *nom* *nom*" wika nung isa pang batang babae na sa palagay ko ay jane ang pangalan. Natawa lang ako sa sinabi niya.

"Siya si Kuya John" shaira. "Tuya John!*nom* *nom* Chachama na po ako iyo! Guscho ko chama iyo *nom*"  sabi nung pinakamaliit at mukhang pinakabata sa kanila. Hahahaha. Naawa naman ako bigla. "Anong pangalan mo?" tanong ko. "Chonchon po." ang T niya talaga ay CH. Siya siguro si tonton. Hahaha.. Tapos ang K niya ay T. Haha.

"Tonton, hindi pa kita pwedeng isama, nag aaral pa lang si Kuya John mo at hindi ko pa kayang buhayin ang kagaya mo. Pasensya ka na ha." ako.

Ikinuha ko si anne ng pwede niyang kainin at pinuntahan siya.

"Alam kong hindi mo matatanggihan to" sabi ko sabay abot sa kanya ng isang plastic ng marsh mallows.

Natawa ako ng malakas nung biglang nanlaki at kuminang ang mga mata niya na daig pa ang ibang bata dito, bigla niyang sinunggaban yung mallows na nasa plastic na hawak ko.

"Hahahahaha! Hey tigress, easy with the mallows!" natatawang sabi ko. Hindi siya umimik at sinamaan lang ako ng tingin. Naupo ako sa tabihan niya. "Ate anne, pahingi po?."  magalang na sabi nung batang si shaira. Inirapan naman ni anne ito. " go get yourself your own!" sigaw nito. Tsk.

"Shaira oh. Heto na lang sayo." ibinigay ko ang dapat para sa akin. At umalis naman sila para maglaro. "Bat ba ang sama ng pakikitungo mo sa mga bata? Wala naman silang ginagawang masama sayo ah?" tanong ko kay anne.

"Bat ba ang bait mo sa kanila eh di mo naman sila kilala?!" anne.

"Bat ba lagi ka na lang sumisigaw?" ako. Nakakainis na din kasi siya!.

"Eh bakit ba ang kulit kulit mo?! Why are you so annoying?!" anne.

" why are you so impulsive?" ako.

She looked at me for a moment. Pero inalis din niya kaagad iyon.

" look at them, they are longing for love. Love that their parents failed to give them. Madami sa kanila hindi man lang nakilala ang mga magulang nila." ako.

Anne's POV

I flinched nang marinig ko ang sinabi ni John.

For a moment tinignan ko ang mga batang naglalaro.

I stared at them. Innocent eyes.

*click*

Nagulat ako at napatingin kay John.

He looked at me blankly. Slowly, he put his hand to my left cheek for me to realize that I am already crying.

Natauhan ako at agad na tumayo.

My Heartthrob HusbandBasahin ang storyang ito ng LIBRE!