CHAPTER 5: SUICIDE
Xandra's POV
Isang lingo na ang nakalipas pagkatapos ng libing ni Kuya Mike.
Papunta na kami ngayon sa ospital kung nasaan si Khylle. Tumawag kasi kanina ung kapatid niya. Gising na daw si Khylle."Tita, saan po tayo pupunta?" tanong ni Andrea na nakakandong sa akin. Pagkatapos din ng libing ni Kuya Mike, kami muna ang nag aalaga kay Andrea. Sa condo ko siya natutulog. Minsan naman doon siya kay Prince.
"Sa ospital baby. Kay tita Khylle mo." - ako
Tinignan ko si Kian na nagdadrive sa tabi ko habang nakangiti. Para kaming isang pamilya. Kulang na lang tawagin kaming mama at papa ni Andrea.
"Si mama po? Hindi po ba natin siya pupuntahan?" - Andrea
Biglang lumungkot ung mukha ni Andrea.
"Hindi baby. Nasa malayong lugar kasi ang mama mo." - ako
"Saan po? Bakit niya po ako iniwan? Hindi niya po ba ako love?" - Andrea
Malapit na tumulo ang luha ni Andrea. Tinignan ko si Kian nang bigla niyang ihinto ung sasakyan. Nasa ospital na pala kami.
"Mahal ka ng mama mo. Bawal kasi bata doon. Kaya dito ka muna sa amin. Ayaw mo ba kaming kasama? *pout*" - ako
"Gusto po. Pero namimiss ko na po si mama." - Andrea
Grabe! Bakit ganito? Pakiramdam ko hindi three years old ung kausap ko. -__-
"Nandito na tayo baby." - ako
Bumaba na kami ng sasakyan. Pagdating namin sa ospital nandoon na ang iba. Kami na lang pala ang hinihintay.
"Tito Volt!!" tawag ni Andrea kay Voltaire. Gusto gusto kasi siya ni Andrea. Hindi ko alam kung bakit. Lagi naman nakapoker face si Voltaire, pero gusto pa rin sa kanya ni Andrea. Binuhat siya ni Voltaire.
"Hi Khylle! Buti nagising ka na. Maghahanap na sana kami ng prinsepe para humalik sayo." biro ko.
BINABASA MO ANG
DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)
RomanceQueen Alexandria M. Rutherford - isang kilalang psychic. Masayang numumuhay sa Batangas kasama ang kanyang anak at ang kanyang boyfriend na si Kith Michael Scott. Hangang sa namatay si Kith na naging dahilan ng paglipat niya sa Manila. Jerwin Volta...