Part 66

203K 3.6K 412
                                    

Hindi agad nakakilos si Andy. Natulala siya at napahawak ng mahigpit sa manibela. Pero noong madami na ang taong umusyoso ay mabilis na siyang lumabas ng kotse.

"Hala, kawawa naman!" narinig niya agad na bulungan ng mga tao.

"Tumawag kayo ng ambulansya! Daliiiii!" sabi naman ng iba.

Napapikit si Andy nang makita na niya ang hitsura ni Yolly. Nakahandusay ito sa harap ng kotse niya at walang malay. However, he didn't feel pity; instead, he became even more annoyed with Yolly.

"Hoy! Wala ka kasing awa!" singhal sa kanya ng isang babae. Ito ang nakakita na nakikiusap kaninang si Yolly na pagbuksan siya ng kotse.

Napangiwi at napasinghap siya sa hangin. So, kasalanan pa ba niya iyon?! Kasalanan ba niya kung tanga ang babaeng 'to?! Kung masunurin pala at nagpakamatay talaga?! F*ck!

"Naku po! Parang hindi na humihinga!" naalarmang sabi ng isang lalaki.

"Kapag siya namatay, isusumbong kita!" babala pa ng saksing babae sa kanya.

Doon na siya hindi nakatiis. Nilapitan niya si Yolly at parang walang anuman niya itong binuhat.

"Teka saan mo siya dadalhin?" tanong sa kanya ng isang lalaki.

Inis na nilingon niya ito habang karga si Yolly. "Gusto mo ikaw na ang magdala sa ospital?" at pauyam na sabi niya.

Biglang atras ang lalaki. "S-sige ikaw na lang. Wala akong kotse, eh."

Inirapan niya ito ng pagkasama-sama. Nagmamagaling, eh!

Ipinasok na niya si Yolly sa kotse niya. Pahiga niya itong ikinarga sa likod ng kanyang kotse. Nguyngoy ang dalaga. Pero alam niyang nawalan lang ito ng malay. Imposibleng mamatay ang BIDA! Kaya wala siyang kakaba-kaba!

"Tatanga-tanga kasi," inis niya pang sabi rito bago pabalibag na sinara ang pinto ng kotse.

At nang makita niya ang mga tao na naroon pa at pinagtitinginan pa rin siya. " "She's my wife! She caught me with another woman, and she's so devastated that she feels like he wants to die! Baliw, eh!" ay sabi niya ng pasinghal para mas makuntento ang mga ito sa pakikiusyoso.

"Grabe siya!" Nagbulungan nga ang mga babae.

Napapairap na lang siya na sumakay na sa kanyang kotse. "Mga tsismosa!" aniyang badtrip na badtrip at pinaharurot na ang sasakyan.

Sa pinakamalapit na ospital niya dinala si Yolly. Nagkagulo ang mga nurse habang siya ay kalmang-kalma lang.

Kampanteng-kampante lang siya na nakadekwatro ang upo at nakahalukipkip.

"Sir, ano pong nangyari? Kaano-ano po kayo ng pasyente?" tanong sa kanya ng isang nurse pero inirapan niya ito ng masama.

Nahiya at natakot sa kanya ang nurse. "S-sorry, Sir, pero kailangan lang po."

Napabuntong-hininga siya ng malalim at napilitan sumagot. "Gwardya ako sa mall kung saan siya na-aksidente," pagsisinungaling niya. Alam niya kasi na paggising ni Yolly ay unang itatanong nito kung sino ang nagdala rito sa ospital. At ayaw niyang malaman nito na siya. Baka kung ano pa ang isipin ng babaeng 'yon.

"Ah, okay po. Puwede po bang malaman kung ano'ng pangalan mo po? Ta's papirma na lang po ito." Iniabot sa kanya ang papel pero tiningnan lang niya ito. "Uhm sige, Sir, pangalan niyo na lang po," napahiyang sabi ng nurse.

Tumayo na siya. Masyado ng nakakaabala sa kanya ang babaeng 'yon. Niloko na nga siya, siya pa ang tumulong. Kalabisan na 'to!

Humakbang na siya paalis pero hinabol siya ng nurse. "Sir, please kahit pangalan na lang po?"

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon