Chapter 48 (September 18, 2011)

1M 11.3K 1.2K
                                    

Malakas ang tibok ng kanyang dibdib.

'Di makapaniwala si Phoebe. Wala naman kasing nangyaring proposal five years ago. At kahit walang hawak na singsing si Kent ngayon, ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

"T-totoo?" tanong ni Phoebe.

Tumayo si Kent at nagkamot ng ulo.

"Naman ang engot eh! Minsan na lang magpropose eh!!"

"Kent..."

"Ano nga? What's the answer??!"

Seryoso lang ang mukha ni Phoebe.

"Ano! Parang engot na naman toh eh! Ikaw na nga niyayayang magpakasal ulit ayaw mo pa??" sigaw ni Kent.

Niyakap ni Phoebe si Kent. Pero hindi pa rin ito nagsasalita. Wala pa ring sagot si Phoebe.

"Ano yakap na lang? Manghuhula ba ako?? Di ka na magsasalita dyan?" sabi ni Kent habang nakayakap si Phoebe sa kanya.

Matagal-tagal din siyang niyakap ni Phoebe bago ito nagsalita.

"N-nakakainis ka!" maikling sabi nito.

*sniff*

"Bakit? Ako pa ang nakakainis? Umiiyak ka ba?" pilit na umaalis sa pagkakayakap si Kent pero lalo lang siyang niyakap ni Phoebe.

*sniff*

"Nakakainis ka kasi! Lalo kitang mamimiss niyan eh! Lalo akong hindi na makakapaghintay ng pagbabalik mo. Lalo kong iisipin na may magandang magyayari sa pagbabalik mo. Mas lalong magiging matagal para sa akin ang paghihintay."

Yumakap na rin si Kent.

"Eto namang baby ko oh! Ayaw mo ba??"

"Hindi..." *sniff*

"Ayaw mo yata eh!"

Humiwalay si Phoebe at humarap kay Kent.

"Of course gusto ko!"

*sniff*

Kumunot ang noo ni Kent.

"Umiiyak ka nga ba?"

Hinawakan ni Kent ang baba ni Phoebe.

"Anu ka ba! Hindi! May sipon lang ako!" Iniwas ni Phoebe ang mukha niya. Tumingin na lang siya sa may bandang pool.

"Naiyak ka? Haha! Naiyak ka nga!" natatawa-tawa si Kent.

"OO!! Alam mo naiiyak nga ako! Wala ka kasing singsing dyan!"  Hinampas ni Phoebe si Kent sa dibdib "Nagppropose-propose ka walang singsing!!"

"Hala naman Phoebe! Aminin mo nang na-touch ka! Kaw pa nanghahampas ha? May singsing na kaya tayo!! Oh sige akin na yung singsing dati nasaan na ba yun?"

"Wala nakatago kaya! Di naman ikaw bumili nun eh. Pera ni tito James yun at si manang ang pumili! Akala mo hindi ko alam ah!"

"Ang arte kasi may singsing-singsing pa. Meron na naman tayong wedding ring eh! Isuot mo na lang ulit yun."

Nakasimangot si Phoebe.

"Ampanget mo na sige ka. Tignan mo yang nguso mo oh." Asar ni Kent.

Hinampas ulit ni Phoebe si Kent.

"Kanina ka pa hampas ng hampas sa dibdib ko ha!"

"Dapat may singsing ulit!!  Ano yun? recycle lang ng singsing dati?"

Akmang manghahampas na naman si Phoebe pero napigilan na ito ngayon ni Kent.

"Oo na!! Bibili ako sa Paris gusto mo?? Doon na lang ako bibili baka magaganda doon."

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon