Message #9

14 0 0
                                    


Pagbangon ko kinabukasan hindi agad ako bumaba ng kama. I'm still thinking! Naka oo na ako kay jickson pero gusto kong pumunta ng exhibit!

"Ughh!" Napahilamos naman ako sa muka sa pagka frustrate!

Bakit ba kasi late na kung mag txt tong si ivan?! Sana nung magkasama pa lang kami sinabi na niya  at ng nagawan ko ng paraan tong kay jickson!

"Bahala na nga!"

Dumiretso ako ng banyo at ginawa ko na ang morning rituals ko. Wednesday pa lang naman. Ang iisipin ko muna ay ang pagalis nila mom and dad

Pagbaba ko nakita ko naman agad sila sa lamesa. Si dad na umiinom ng kape habang nag babasa ng news papers. Si mom naman ay may kausap sa telepono na katabi lang naman ng dining table. Pero agad din namang nayari ng makita ako

"Goodmorning" bati ko sa kanila. At naupo na ako para kumain.

Walang kibuan

Walang gustong magsalita.

Naiinis pa din ako sa sinabi nilang pagalis nila.

"It's all settled gieca" pagbasag ni mom sa katahimikan na hindi ko naman binigyan ng sagot

Pinagpatuloy ko lang ang pagsubo ko at parang walang narinig na uminom ng tubig

"Pumayag na si cyrus na samahan ka---"

"And then?"

"Anong and then? Gieca pumayag na si cyrus na samahan ka. "

Paguulit niya. Psh!

"How about me?, pumayag na ba ako?"

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko and i didn't bother to look at them.

Baka maiyak lang ako.

Sa takot na baka kapag hindi sila naging success doon ay hindi nila ako makuha. Pero natatakot din ako na baka pag naging success sila company ay kunin nila ako dito at maiwan ko yung mga importanteng tao  sa akin

Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ngayon ay natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyare

"Gieca don't you have any trust? Sa amin ng mommy mo? Ginagawa namin ito para sa kinabukasan mo--"

"Dad. I'm so sick of that reason! Lagi niyo na lang sinasabi na para sa akin yon kahit may ibang paraan pa naman para hindi kayo lumayo!--- Mom! Bakit kailangan pa na umalis kayo dito kung pwede namang dito na lang kayo magtayo"

"Gieca. You don't understan--"

"Then make me understand!"

"Gieca may mga investor na makakatulong sa atin doon na matagal ng kakilala ng mommy mo. Mas mapapadali ang pag ayos ng company. I told you na kapag naayos namin ang company natin ngayon ay hindi na mangyayari to  b-but our own company....our own company has 90 million debt..."

"W-what? M-may utang tayo? B-but...p-paanong nangyari yon?"

Gulat na tanong ko. Kilala ko si dad hindi nila hinahayaan na magkaganito ang company.

Anong nangyare?

"I want to help---"

"Then do what i say" napalingon naman ako kay mom na ngayon eh nakatingin sa akin.

Gusto ba niyang pumayag ako sa pagalis nila at ang pagsama sa akin ni cyrus dito?

"I have to go"

Iniwan ko sila doon kahit wala naman talaga akong pupuntahan.

I have to do someting. Kinuha ko ang cellphone ko at nag dial

Pesteng Messenger!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon