An: Happy Hearts Day <3 Here's my Valentines gift to all of you :*

****
Caela's POV

Abot-abot ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Nagmamadali akong tumakbo patungo sa lugar kung saan nararamdaman ko ang isang hindi magandang aura. Ako na din yung humila kay Dashiell, wala akong pakialam kung madapa man kaming dalawa basta makarating lamang agad kami doon.

"Wala ka bang clue Dash kung ano talaga yung nangyayari doon ngayon?" Nag-aalalang tanong ko.

"I'm not really sure, but I think our enemy just entered the Academy." Seryosong sagot niya. At hindi ko alam kung paano nangyari na nagkabaliktad kami ng pwesto. Siya na ngayon yung humihila sa akin.

Patungo kami sa mini forest ng academy. Doon nanggaling ang malakas na aura.
.
.
.
.
"Hindi gulo ang ipinunta ko dito." Narinig kong wika ng isang nakakatakot na boses.

Andito kami sa bukana ng mini forest, at nakita ko sa hindi kalayuan ang Superiors kasama ang council at ang hari at reyna ng Mystique kingdom. Nandoon din sina Sir Devione at Headmistress Monica. At mayroong tatlumpong tao na nakasuot ng black cloak sa harapan nila. At nasa gitna noon ang isang lalaki na may suot na korona, na nakakasiguro akong iyon ang hari ng mga Dark mages.

"Anong ginagawa mo dito, Armand? Umalis ka na." Walang emosyong sabi ni King Arnold, ang hari ng Mystique Kingdom.

Habang nag-uusap sila at wala pa namang nangyayaring labanan hinila ako ni Dashiell palapit sa kinaroroonan ng mga kaibigan namin.

"Dashiell, Caela!" Mahinang utas ni Ivan. Nakita ko namang tinanguan lamang siya ni Dash.

"Kukunin ko lamang ang pag-aari ko, mahal kong kapatid. Masyado ka namang atat na paalisin ako." sabi ni Armand na sinabayan pa ng halakhak. Nakakatakot talaga yung boses niya, parang nanggagaling pa mula sa ilalim ng lupa.

Masasabi kong gwapo ang hari ng mga dark mages dahil gwapo naman si King Arnold na kapatid nito. At hindi ko alam pero noong oras na nakita ko siya, nakaramdam ako ng matinding kaba.

"Wala kang pag-aari dito, Armand. Kaya makakaalis ka na. Hindi ka nababagay sa lugar na ito." Matigas na sabi ng reyna, si Reyna Jazmine. Ibang reyna ang nakikita ko sa oras na ito, a braver and a tougher queen. Kakaiba sa sweet at mabait na reyna na nakita ko noong students leveling.

"Diyan ka nagkakamali, may isang pag-aari ako dito na kailangan kong makuha." Ngayon ay seryoso ng sabi ng hari ng mga dark mages. Tumingin ito sa paligid at halos mapakapit ako ng mahigpit sa braso ni Dashiell ng makita kong huminto ang tingin nito sa akin, at biglang ngumisi ng nakakatakot. Hindi ako maaring magkamali sa akin nga siya nakatingin.

"Marami palang magagandang dalaga ang eskwelahang ito. Hindi mo naman sinabi sa akin, mahal kong kapatid para napapadalas ang pagdalaw ko dito." Pagpapatuloy nito na sa akin pa rin nakatingin. Naramdaman ko naman ang paglingon nilang lahat sa akin.

"Fxcking, sht!" Narinig kong sunod-sunod na mura ni Dashiell na nasa tabi ko. Naramdaman ko ang paghapit niya sa bewang ko papalapit sa kanya.

"Don't looked at him, baby. He may hipnotized you." Masuyong bulong nito sa akin. Napatingin ako sa kanya at nanginginig na tumango na lamang ako. I felt his lips on my forehead.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!