"Pwede bang maglupasay sa kilig? Saglit lang, mga two minutes?" Sabi ni Audrey na nakuha pang magbiro.

Sa kabila ng takot na nararamdaman ko, hindi ko maiwasang kiligin sa mga inaasta ni Dashiell ngayon. There are millions of butterflies in my tummy.

"Umalis ka na dito, Armand. Wala kang gagalawin sa kahit na sino man sa mga estudyante dito kung ayaw mong dumanak ang dugo mo at ng mga walang kwenta mong tauhan sa eskwelahang ito." Galit na sabi ni King Arnold na mayroon ng madilim na mukha.

Maski ako ay nakaramdam din ng takot nang makita ko ang madilim na mukha ng hari na handa ng makipagpatayan.

"HINDI! Hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nakukuha ang pakay ko sa pagpunta dito." Dumagundong ang nakakatakot nitong boses sa buong paligid.

"Kung ganoon, wala akong pagpipilian kung hindi ang palayasin kayo dito ng sapilitan." Pagtatapos ng hari sa usapan at handa na sana itong magpalabas ng kapangyarihan nang may biglang matinis na boses ang biglang sumigaw.

"PAPA!" Nilukob ng matinding kaba ang dibdib ko nang marinig ko ang sigaw ng isang pamilyar na boses ng babae.

No, this can't be... Mahina akong nagdadasal na sana'y hindi tama ang nasa isip ko. Unti-unti akong lumingon upang tingnan kung kanino nanggagaling ang pamilyar na boses na iyon.

And my heart sank when I saw her.

"DIVINA!" narinig kong sigaw ni Armand.

Divina? Bakit Divina?

"Dindin, anong ginagawa mo dito?" Narinig kong sigaw ni Headmistress Monica nang makita niya si Dindin.

Yeah! That's my Dindin. Si Dindin na itinuturing kong kapatid ay anak ng hari ng mga dark mages. Naramdaman ko ang kirot sa bandang dibdib ko. Nanlalamig din ako. Natatakot sa maaaring mangyari.

"Dindin." Mahinang usal ko habang nakatingin sa kaniya sa may hindi kalayuan. Hindi pa niya siguro ako nakikita. Ilang araw ko ding hindi siya nakita. I missed that little girl.

"Papa, ano pong ginagawa mo dito?" Naguguluhang tanong ni Dindin sa kaniyang ama.

"Uuwi na tayo, anak!" Masuyong sabi nito kay Dindin. May kalambutan din palang taglay ang lalaking ito.

"No! Hindi po ako sasama sa inyo. Dito lamang ako!" Sagot naman nito sa kaniyang ama na sinabayan pa ng matinding pag-iling.

"Hindi! Uuwi ka! Sasama ka sa amin." Galit na sabi ni Armand.

"A...ayoko, Papa. H...hindi po ako sasama sa'yo!" Umiiyak na ani ni Dindin. Sobrang naaawa na ako sa kaniya, lalapitan ko na sana siya nang sa isang iglap lamang ay nasa tabi na ni Dindin si King Arnold.

"May anak ka na pala Armand!" Mapait na sabi nito pero bahagyang ngumiti nang bumaling ang tingin nito sa bata.

"Ayaw sumama sa'yo ng anak mo, kaya makakaalis ka na." Pagpapatuloy na sabi ng hari sa kaniyang kapatid.

"Hindi! Anak ko siya at sasama siya sa akin sa ayaw niya at sa gusto." Galit na galit na sabi ni Armand at handa ng sumugod.

"Ayoko, Papa. Kahit kailan hindi na ako babalik pa sa kaharian mo. Ayoko po doon." Sigaw ni Dindin sa ama niya. Luminga ito sa paligid at nakita ko ang pagliwanag ng mga mata niya nang makita ako.

"Ate Caela!" Sigaw ni Dindin na kumawala sa pagkakahawak ng hari at nag-umpisang tumakbo papunta sa akin.

Nararamdaman kong may masamang binabalak ang mga dark mages kaya bago pa nila makuha si Dindin ay nagteleport na ako papunta sa bata para mas mapabilis ang paglapit ko sa kaniya. Bumalik ako sa pwesto ko malapit sa mga kaibigan ko.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!