"Sinisipon lang. Malamig kasi sa labas eh. Umaambon.." napatakip ulit ako ng bibig ko. Nasabi kong nasalabas ako ng bahay.
"Nasa labas ka ba? Teka puntahan kita dyan."
"Apasuh.. jookulguht gatneyo." [it hurts so bad, it's like im dying..]

"Ano ba pinagsasabi mo? Hinde kita maintindihan.."

"Sorry.."

"Ano to.... I love someone else and I wanna be with him. Sorry." Mahina niyang sinabi, "Ikaw ba nagsulat nito?? Hinde diba?"
"Ako.."
"Hinde. Imposible. Asan ka ba? Dyan ka lang. Haanapin kita ok? Intayin mo ko!"

Binabaan na niya ako.

"Wag mo na akong hanapin.. mas makakabuti sayo yun.."

Pagkadating ko sa tapat ng bahay namin nakita ko si Lucas naka upo sa may gutter at may hawak na payong. Nung nakita niya ako napatayo siya. Hinde ko na napigilan yung sarili ko. Umiyak ako at niyakap ko si Lucas.

"Hinde kasi ako mapakali kaya pumunta ako dito.. tahan na.."

"Mianhae.. mianhaeyo.. mianhae Kenjiya.." niyakap ko ng mahigpit si Lucas, "Kenjiya.. saranghae.." [I'm sorry Kenji; I love you Kenji]

"Alam ko.. alam ko.. tama na.." naramdaman kong dahan dahang tinatanggal ni Lucas yung pagkayakap niya sa akin, "Athena.. si Kenji.."

Unti unti akong bumitaw at tumingin sa likuran ko. Nakita ko si Kenji naka tayo nakatingin siya sa amin ni Lucas, hinihingal. Hawak niya yung papel na may sulat ko pati yung cellphone niya. wala siyang suot na slippers.

Tinuro niya si Lucas, "Siya ba?" hinde ako sumagot, "ATHENA SIYA BA?!?!"
Hinde ako makapagsalita dahil patuloy parin yung pagiyak ko. Hinde ko rin alam yung sasabihin ko

sa kanya. Hinde.. hinde si Lucas.. Negen nappuniya.. [you're the only one to me.] Hinawakan ni Lucas yung right hand ko, "Oo ako nga."
Napatingin ako kay Lucas. Seryoso yung mukha niya.

"Hinde ikaw yung kinakausap ko kaya wag kang sumagot. Athena, siya ba?! Siya ba yung tinutukoy mo dito sa sulat??" nakatingin lang ako sa kanya habang umiiyak. Crinumple niya yung paper tapos binato niya, "T*NG*NA WAG KANG UMIYAK SUMAGOT KA!!! SIYA BA?!?"

"Athena, lakasan mo yung loob mo. Wag kang matakot.. nandito ako sa tabi mo.." sinabi sa akin ng mahina ni Lucas.

"T*NGNA SINABI NG WAG KANG UMIYAK EH! SUMAGOT KA! SIYA BA?!" lumapit siya sa akin tapos hinawakan niya ako sa magkabila kong braso, "Ano!?!? Siya ba?!"

Dahan dahan akong tumango. Hanggang sa tuloy tuloy kong ginawa yung pagtango. "Mianhae.. mianhae.. mianada.."

Unti unti niya akong binitawan tapos napangiti siya. ibang klaseng ngiti.. "ha.. ha.. hinde ako makapaniwala.. haha.. t*ngna siya na naman. Bakit ba laging ikaw na lang Lucas? Ha??" tapos bigla

She's Dating The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon