"Aericha naman eh! Sorry na kasi!!" Sigaw ni Ruhztee kay Aericha
"Tangina mo! Wag mo akong kausapin! Badtrip ako!" Sigaw naman pabalik ni Aericha
"Kakausapin kita hanggang sa mapatawad mo na ako!" Sabi naman ni Ruhztee
"Nag sosorry ka nga hindi mo naman alam kung baket! Tsk! Dyan ka na nga! Nakaka badtrip ka!" Sabi ni Aericha at sabay lumabas ng classroom kasama ang kanyang mga kaibigan
"Bwisit talaga!" Sigaw ni Ruhztee.
Napansin naman s'ya ng kanyang classmate na si Adrian
"Oh? Napapano ka naman dyan? Kung nababaliw ka na sabihin mo lang, dadalhin ka na namin ni Elton sa Mental!" Sabi ni Adrian sa classmate
"Tang ina dre! Nawalan ako ng sponsor!" Sabi ni Ruhztee
"Sponsor? Saan dre? Sa droga? Tangina dre masama yan!" Sigaw ni Adrian
"Gago ka ba? Malamang sa pagkokopyahan ko ng Assignment!" Sabi naman ni Ruhztee
"Nako dre. Mahihirapan ka ng makahanap ng iba! Ano bang nangyari?" Tanong ni Elton na classmate n'ya din
"Hindi ko din alam mga dre!" Naiinis na sigaw ni Ruhztee
"Hay nako Ruhztee! Ano bang pinagsasabi mo? Baka may nasabi kang nakakabadtrip?" Sabi ni Adrian
"Sige. Ikwekwento ko ang pinagusapan namin kanina."
Flashback - some moments ago
"Oh Aericha! May Assignment ba?" Tanong ni Ruzhtee
"Wala." Matipid na sagot ni Aericha habang naka tingin sa ibang direksyon.
Sa hindi alam na dahilan na patingin si Ruhztee sa pinaroroonan ng paningin ni Aericha. Nakita n'ya na nakatitig s'ya sa isang magandang mag-aaral na tiga ibang seksyon
"Ang ganda naman nun." Wala sa sariling sabi ni Ruhztee
"Pake ko?" Naiinis na sabi ni Aericha.
"Wala lang. Mas maganda lang s'ya sayo." Sabi ni Ruhztee
Napataas ng kilay si Aericha
"Tinatanong ko ba?" Sabi ni Aericha
"Hindi pero halata naman na insecure ka. Hahaha" sabi ni Ruhztee ng may kasamang tawa
*end of flash back
"Tapos yun nga na-badtrip ata." Kwento ni Ruhztee
"Bobo." Sabi ni Elton
""Tanga." Sabi naman ni Adrian
"Lakas ng loob niyong sabihan niyo ko niyan! Parang antataas naman ng grades n'yo! Mga Bugok!" Inis na sabi ni Ruhztee
"Aba! Kami pa ang bugok? Gago ka ba? Ininsulto mo yung babae, sigurado akong kapag sinabihan mo ang isang babae ng ganun Ma-bwibwisit talaga!" Sabi ni Elton
"Oo nga! Kung ako yung babae panigurado sinapak na kita!" Pag sang-ayon ni Adrian kay Elton
"Tss. Wala akong pake sa gagawin n'yo. Tsaka ba't ba maiinis yung babae? Kababaw talaga!" Beast mode na sabi ni Ruhztee
YOU ARE READING
SORRY NA
Teen Fiction"Patawarin mo na kasi ako!" "Mukha ba akong tindera para patawarin ka? Iyon ba ang gusto kong sabihin ha?!"
