"Ewan ko talaga. Ewan ko nga ba't mahal kita!" Naramdaman kong bigla siyang nailang sa sinabi ko. Umiwas siya ng tingin at agad ko iyong pinagsisihan. "Joke lang... hindi ka pa nasanay sa kalokohan ko!" Tumawa ako. Gago mo, Sef Franco!

Bigla siyang humarap at pinitik ako sa ilong. Mas malakas pa ang tawa niya sa'kin. "Ang dami kong tawa. Juan-annie-hap! Hindi ka papasa sa nililigawan mo kung ganyan kacorny ang pick-up lines mo!"

Napakamot ako sa ulo't tumingin sa mga barkada kong lumabas na ng gym. Sumisipol si Ralph. Si Raven ay kumaway kay Gaile. Gumanti rin si Gaile.

"Hoy, Sef! P'wede ba 'pag kausap kita't nakatingin ako sa'yo, tumingin ka rin sa'kin?!" Napatuwid ako nang upo at humarap sa kanya. Ang seryoso niya kasi. "Ayan! Para may pagtingin tayo sa isat isa."

Hindi ako nakasagot. Hindi pa napoproseso ng utak ko ang mga sinabi n'ya. Ang alam ko lang baka nagmumukha na akong tanga dahil ramdam kong ang bilis ng tibok ng walang hiyang puso ko. Tangna! Ang corny ng pucha.

Naknang! Ang dami namang lumalapit na babae sa'kin dahil na rin sa pagbabasketball ko pero sa kanya ko lang naramdaman ang ganito.

Tapos bigla niyang sinuntok ang sikmura ko. Ang sadista ng babaeng 'to. "Ganyan bumanat ha?"

Hindi pa rin ako nakasagot. Kaya tumawa na naman siya. "Panget ka ba?"

"H-hindi..." Hindi ko maitago ang kaba sa boses ko.

"SINUNGALING!" Mabilis siyang tumayo at tumakbo palayo. Saka lang ako nakabawi.

"Sige asarin mo ko... at lalo akong maghihiganti ng pagmamahal sa'yo!"

Mas naging close kami. Katulad ko... mapang-asar din siyang tao! Nung una kinakantiyawan kami ng mga barkada ko. Pero kaya niyang dalhin 'yon. Ni hindi nga siya naiilang kahit na gusto ko nang patayin ang mga siraulo.

Mahigit isang taon na siya sa school. Sophomore na. Huling taon ko na sa kolehiyo. At habang tumatagal mas lalo lang lumalalim ang nararamdaman ko.

Kaso madalas ko lang nasasabi iyon sa mga walang kak'wenta-k'wentang pick-up lines pero ang dating sa kanya'y joke lang ang mga iyon. Na nagloloko lang ako.

Katulad nang... "Gaile, alam mo ba na ang salitang pangarap ay nagsimula n'ong MAKILALA KITA?!"

"Tanga nito. Hindi pa ako naisilang sa mundo naimbento na ang salitang iyan." Pinagtawanan niya na naman ako.

Pagkatapos ng examination namin. "Gaile, sana exam na lang ako, para sagutin mo rin ako."

"Ulol! Sabihin mo 'yan sa nililigawan mo!"

"Sef, i-like mo ang DP ko. Dali! HAHAHAHAHA!" Nagchat siya sa'kin. Tiningnan ko ang display photo niya sa facebook. Napamura ako pagkakita ng mukha ko. Hindi naman literal na kita dahil nahaharangan ng bola ng basketball na pinasa ni Raven nung last practice game.

Wala kasi ako sa sarili nun. Panay ang lingon ko sa bench dahil hinahanap ko kung naroon si Gaile. Nahuli lang pala sila ng dating. At saktang pagkakita ko sa kanya'y may hawak siyang camera. Saka naman hinagis ni Raven ang bola sa direksiyon ko.

"Panget ka na nga, mababangasan pa! HAHAHAHA." Panay lang ang asar niya sa'kin. Pero sa halip na maasar ay napapangiti na lang ako.

"Lakas mong mang-asar. Pasalamat ka... mahal kita!"

"Salamat!"

Sa mga gasgas na pick-ups ko lang nalalabas ang feelings ko sa kanya. Kaya kapag papasok ako ng school dapat may baon na akong extra.

"Gaile!"

"Ano na naman? 'Di kita type, Sef!" Sinabayan niya ng tawa dahil alam niyang babanat na naman ako. Lakas talagang makasira ng trip ang mahal kong 'to.

SINTAS (one shot)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!