Sintas

36.3K 3.6K 879


- SINTAS -

Copyright © chiXnita

"'Yang sintas mo... hindi nakatali."

Kakatapos lang namin magbasketball. Umiinom ako ng tubig. Muntikan pa akong mabulonan dahil pagpihit ko'y magandang babae ang aking nabungaran. Hindi kaagad ako nakapagreact. Nakatitig lang ako sa kanya.

Nagulat ako nang bigla siyang umupo't binuhol ang sintas ko.

"Nice game!" Nginitian niya ako't naglakad papalayo. Sinundan siya ng kanyang mga barkada.

"Sef... pucha! Ang chix, dre..." Kantiyaw ng mga teammates ko.

Magmula nung araw na 'yon... hindi na siya nawala sa isipan ko. Palagi ko siyang hinahanap sa school. Stalker na yata niya ako. At dahil sa ginagawa kong pagpapansin dahil maloko akong tao'y nalaman ko rin na transfer student lang siya't kaklase ng kapatid kong si Raven.

Basketbolista rin ang kapatid ko't close sila ni Gaile. Gaile Revamonte, ang babaeng nagpapatuliro sa isipan ko't napagtanto kong gusto ko na pala.

Palagi din siyang nanunuod ng mga practice games namin. At mas mapapadalas dahil kinuha siya ni coach para maging muse ng basketball team sa darating na tournament.

Hindi ako nahirapang makipag-usap sa kanya. Kilala naman akong maloko sa school. 'Yun nga lang... tangkad at pagiging Franco lang ang maipagmamalaki ko. Hindi ako kasing g'wapo ni Raven. Hindi ako kasing talino ni Ralph, kaibigan ko. Sense of humor lang yata ang aking maipagmamalaki... at s'yempre ang pagmamahal ko sa kanya.

Nanuod ulit siya ng game. Hindi niya kasama ang mga kaibigan niya. Nilapitan ko siya. Sinundan ako ng tingin ng mga barkada pero wala akong pakialam sa kanila.

Nakangiti na naman siya. Kung sa'kin lang siya ngumingiti nang ganyan iisipin ko na may pagtingin din siya sa'kin. Kaso sadyang palangiti lang talaga siya't madaling kausapin.

Tinuro niya ang sintas ko. "Natanggal na naman, Sef!" Tumawa siya.

Natawa na lang din ako't inayos ang pagkakabuhol ng aking sintas.

Inabutan ko siya ng Choco tops. Paborito n'ya 'to dahil madalas ko siyang nakikitang bumibili sa cafeteria kapag meryenda. "Thank you..."

Umupo ako sa tabi niya. "Mahilig ka sa matamis pero hindi ka naman siguro diabetic ano?" Pasimple akong umusod palapit. Umiling siya. "Good! 'Coz I'm planning to be the sweetest person for you, Gaile."

Nalunok niya bigla ang nginunguyang Choco tops! Kinuha niya ang tubig na hawak ko... na tubig ko. Uminom siya't nanlaki ang aking mga mata. Hinarap niya akong namumula ang mga pisngi dahil bigla na lang siyang tumawa. Hinampas niya pa ako sa balikat.

"Ang corny mo..." 'Tapos tumigil siya at muling kumain. Doon ko lang napagtanto na sarcastic 'yung tawa niya. Pero pucha... ang ganda niya talaga.

"Gaga ka..." Ginulo ko ang buhok niya.

"Hoy! Gago ka, ah." Ngumuso siya pero tumawa lang ako.

"Hindi! Gaga ka talaga. GAGAwin ko kasi ang lahat para mapasaya lang kita."

"Pinagpapraktisan mo ba ako? May balak ka nang ligawan ano?!" Siniko niya ako.

Minsan nakakabadtrip kapag sobrang manhid ng mga babae. Pero madalas kong naiisip na hindi naman manhid si Gaile. Sadyang ayaw niya lang sa'kin.

"Roses are red, violets are blue, I have a crush and you are the clue, Gaile Revamonte!"

"Ewan ko sa'yo, John Josef Franco!"

SINTAS (one shot)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!