Chapter 47 (September 15, 2011)

1M 11.1K 1.9K
                                    

DATE POSTED: September 15, 2011


Chapter 47

"Yes Phoebe..."

Nakatulala lang si Phoebe.

"Baby ko..."

"Sa Paris talaga as in Paris? Eiffel Tower? Yung sa Lovers in Paris??" sagot bigla ni Phoebe. Umaasa kasi siyang nagjo-joke lang si Kent.

"Oo... Sa Wednesday ang alis namin eh."

"Sa Wednesday na??"

"Malapit ng matapos yung movie namin... ni Elisa. Yung mga ibang scenes,  sa Paris kailangang i-shoot. Yun ang napagmeetingan... Sasabihin ko na agad sana sayo nung gabi."

"Ganun?? Sinong kasama niyo? Madami ba kayong kasama?"

"Kami lang ni Elisa... isang camera-man, mga managers, ilang PA tska si direk. Medyo limitado rin kasi yung budget."

"K-kayo l-lang?" parang naluluha naman si Phoebe.

"Kaya ko nga sinasabi sayo dahil yun yung napagmeetingan naming nung nakaraan. Importante daw na... na doon i-film yung mga importanteng scenes."

"Ilang araw yun?"

"Oy. Hwag ka ngang umiyak babalik naman ako eh. Mga two weeks..."

"Two weeks? Kayo lang ni Elisa?? Ilang araw din yun! Bakit naman napakatagal??"

"Kasi isasabay na rin yung filming ng isang commercial doon. Tsaka yung sa movie, kailangan naming ng maraming sunsets ng Paris. Kaya kailangan "

"Paris pa... Romantic City... Hwag kang magkakamali Kent... Two weeks din yun. Bakit ang tagal naman??"

She pouted.

"Anu ka ba Phoebe... Yun lang eh!."

"Anong yun lang? Iiwan mo ako mag-isa sa bahay!!! Tapos... tapos magkasama kayo ng kaloveteam mong napakatalande!!"

"Sus naman para namang papatulan ko yun."

"Magbe-behave ka doon ha!! Hwag mo masyadong kakausapin si Elisa!"

"Imposible yun Phoebe!!!"

"Hay Basta! Iwasan mo! Kapag di kailangan wag mong kausapin! May gusto nga yun sayo Kent eh. Hwag kayong magsosolo sa isang kwarto! Hwag kayong magdedate doon sa Paris kahit gano pa ka-romantic ang lugar!"

"Oo oo! Magbebehave ako! Don't you trust me?"

"I trust you, It's her that I don't!!!!!"

"Haha. Alright alright! Masyado namang selosa ang asawa ko." Kinurot ni Kent ang pisngi ni Phoebe.

"Araw-araw tatawag ka. Pag hindi ka nakatawag kahit isang araw lang... Magtatampo ako sayo. Hindi mo na ako madadatnan sa bahay."

"OY OY! Sobra ka naman! Maglalayas agad?" natatawa-tawa si Kent

"BASTA!"

"Oo na po prinsesa! Basta pag-uwi ko... alam mo na... price ko... pag sinunod ko lahat ng gusto ko... may price ako..."

"Ano?"

"Ano ulit... pupunta ulit tayo sa hagdan at---"

"ADIK!!!"

"Eh di wag sa hagdanan sa lamesa naman!!"

"KENT!! HINDI AKO NAKIKIPAGBIRUAN SAYO!"

"Joke lang... Teka! Bakit naiba yung usapan! Hindi ba ako ang may sinasabi sayo kanina! Hindi lang ako ang dapat pagsabihan! Ikaw din!! Akala ko engot ka lang talaga! Pero napakalapitin mo ng lalaki! Ngayong mawawala ako... pwede ba... Hwag mong reply-an yung Alex na yun kung sino man yun?"

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon