Mga yamang likas ng Asya.

28.6K 61 70
                                    

Timog Asya Sa Timog Asya, India lamang ang biniyayaan ng humigit kumulang na 54% ng lupa na maaring bungkalin. Kaya’t lupa ang itinuturing na na pinakamalagang likas na yaman nito. Ang kapatagan ng ganges ay isa sa mga pinakamatabang rehiyon sa India dahil sa alluvial soil. Ang alluvial soil ay mataba at pinong lupa na diniposito o tinambak sa lambak at bukana ng ilog matapos ang pagbaha o pag-apaw ng ilog. Samantalang maliit lamang ang matabang lupa sa Afghanistan, Bangladesh, Maldives, Nepal, Pakistan, at Sri Lanka na tanging 30% lamang ng pangkalahatang lupa ang binubungkal. Sa matatabang lupa nagtatanim ng barley, mais, palay, trigo, oilseed, jute, kape, patatas, kamote, bulak, kasuy, at ibang sangkap na pampalasa tulad ng chili, cinnamon, pepper, at cloves. Samantala, tanyag ang Afghanistan sa pagtatanim ng opyo bagamat ipinagbabawal ng pamahalaan. Ang alagang hayop ng Afghanistan ay tupang karakul at sa Bangladesh ay baka. Nahuhuli mula sa Indian Ocean ang palos , tuna,  dilis, at hipon. Ang mga dagat ay nagtataglay ng iba’t ibang uri ng shellfish at isda tulad ng mackerel at salmon.

    Silangang Asya

Ang yamang lupa ng Silangang Asya ay matatagpuan sa mga talampas, kapatagan, bundok, lupaing praire sa Mongolia, mga lambak tulad ng daluyan ng Yangtze River, Mongolian steppe, at iba pang mga lupang binubungkal. Sakop ng China ang 7% ng lupa sa buong mundo na maaaring bungkalin. Ang pinakamahalagang pananim nito ay palay. Nangunguna ang China sa buong daigdig sa produksyon ng palay. Ang mga ibang pananim ay trigo, mais, oats, at kaoliang, isang uri ng sorghum at millet. Ang kaoliang ay ginagamit sa pagkain ng mga alagang hayop at ginagawang alak. Ilan sa mga pananim ng ibang bansa sa Silangang Asya ay sugar, beets, patatas, repolyo, mais, soybean, bawang, red beans, at prutas tulad ng ubas, peras, at peach.  Ang mga hayop na katulong sa hanapbuhay ay, kalabaw, kamelyo, kabayo, buriko, at yak. Ang dagat China ay mayaman sa pagkaing dagat tulad ng flounder, cod, tuna, cuttlefish, sea crab, at prawn. Ang mga ilog ay hitik sa carp, sturgeon, at hito.  

Kanlurang Asya

Malawak ang deposito ng petrolyo at natural gas na matatagpuan sa timog-kanluran at sa paligid ng Persian Gulf. Ang natural gas ng Iran ang pangalawang pinakamalaking reserba sa buong daigdig. Tinatayang ang Iran ay may 10% na reserba ng petrolyo sa buong daigdig. Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo ay Saudi Arabia. Ilan sa mga pananim sa rehiyon ay dates, kamatis, sibuyas, melon, trigo, barley, tabako, ubas, tsaa, mais, hazel nut, at mga prutas. Sa bundok ng Lebanon ang pinakatanyag na puno sa bansa, ang cedar. Sa Saudi Arabia, ang pinakamalaking lupang binubungkal ay sa oasis sa silangan kung saan ang itinatanim ay dates. Ang ibang lupain ay ginagamit na pastulan ng tupa, baka, at kambing.  

Timog Silangang Asya

Malaking bahagi ng Myanmar at Brunei ay kagubatan.  Sa 84% na kagubatan ng Brunei naninirahan ang iba’t ibang uri ng unggoy, ibon, at reptile. Matatagpuan sa kagubatan ng Myanmar ang pinakamaraming puno ng teak sa buong mundo. Iba pang mahalagang puno ang goma, cinchona, acacia, niyog, at bunga. Sa kagubatan ng Pilipinas makikita ang pinkamaraming uri ng palm at matigas na kahoy tulad ng apitong, yakal, lauan, kamagong, ipil, pulang narra, mayapis, at iba pa. May iba’t ibang pananim ang rehiyon tulad ng palm oil, sesame, bulak, trigo, mani, soybean, niyog, cacao, kape, abaka, at mga prutas. Ang Pilipinas ay nangunguna sa daigdig sa produksyon ng langis ng niyog at kopra. Matatagpuan sa Puilipinas ang tamaraw, sagana rin ang bansa sa iba’t ibang uri ng reptilya. Malaki ang mga depositing natural gas sa Indonesia, karamihan ay nasa silangang baybayin dagat ng Sumatra at sa Kalimantan. Ang mahigit sa 80% ng langis mula sa Timog Silangang Asya ay nanggagaling sa Indonesia, ditto rin nanggagaling ang mahigit sa 35% ng liquefied gas buong daigdig. Ito rin ang pangunahing mineral ng Malaysia habang tanso naman sa Pilipinas.  

Hilagang Asya

Sa mga lambak-ilog at mga mababang burol ng mga bundok nagtatanim ang mga Taga-hilagang Asya ng palay, trigo, bulak, gulay, tabako, sugar beets, sibuyas, ubas, at mansanas. Ang Uzbekistan ay isa sa pinakamalaking tagaluwas ng cotton seed sa buong daigdig. Ang produksyon ng pagkaing butyl ay nakatuon sa pagtatanim ng trigo, palay, ay barley. Ang mga hayop tulad ng baka at tupa ay inaalagaan at pinararami.   




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga yamang likas ng Asya.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon