Pangarap

46 1 0
                                    

Lahat tayo, may pangarap sa buhay...


Anong gagawin mo kung mukhang malabo naman itong makamit? Aatras ka nalang ba? Susuko?


Paano kung makamit mo na ito? Dito na ba matatapos ang pamumuhay mo at paglalakbay?


Basahin ang kwento ni Owen... Isang binatang lumaki sa hirap. Saksihan kung paano niya naabot ang mga pangarap niya, at paano niya nakuha ang babaeng pinapangarap niya.



ORAS. Mas mahalaga ang oras kaysa kahit na ano. Hindi na ito naibabalik, o nauulit. Kung ngayong hapon ay nakaupo ka lang maghapon, hindi mo na pwedeng ibalik iyon at gamitin ang oras na iyon sa pagbabasa o ano pa man. Hindi tulad ng pera. Kapag may bente pesos ka ngayon, kapag nawala yon ay pwede ka ulit magka bente kapag nagtrabaho ka, okaya kapag nanghingi ka.


Kayo? Saan niyo iginugugol ang oras niyo? Sa pagtitwitter? Pag fefacebook? Panonood ng anime? Pag lalaro sa labas? Huwag niyong aksayahin ang mga oras niyo sa mga bagay na wala namang saysay.


Hay nako. Inaaksaya niyo bawat Segundo, samantalang ako, gipit na gipit sa oras. Bawat Segundo ay ginto. Ako si Owen Pascua. Mahirap lang ang buhay ko. Kasama ko si mama, at si lola sa bahay. Yung tatay, namatay na bata pa'ko. Ayaw sabihin ni mama kung bakit siya namatay. Natuka daw ng ipis, nakalunok ng bato, nasagasaan ng bike, at kung anu-ano pa ang sinasabi niya. Ang isa kong mas nakakabatang kapatid ay namatay sa sunog noong nakaraang taon lang.


Hapon na nangmakauwi ako sa bahay namin sa gilid ng isang ilog. Gawa sa kahoy, pawid, plywood, at kung mga bagay na pinupulot lang namin. Pero magulat kayo, nasa private school ako nagaaral ngayong nasa 4th year highschool na ako.


"Mano po lola." Humalik naman ako kay mama.


"Anak. Banatayan mo lola mo ha? Bibili lang ako ng ulam."


"Sige po ma." Nang makaalis si mama nagbihis ako. Nang lumabas ako ng maliit kong kwarto ay nadatnan ko si lola na naglalaba na sa may labas namin.


"Lola! Bilin ni mama na huwag kang maglalaba di'ba? Pumasok na po kayo doon." Tumayo si lola at sumagot.


"Bakit? Marunong naman akong maglaba ah! Anong akala niyo sa akin walang silbi?" Mga matatanda talaga, matatampuhin. Sa paglalakad niya papasok ng bahay ay kung anu-ano pa ang sinasabi niya. Natapos na akong maglaba, dumating na't lahat lahat si mama, nakakain na kami, at dakdak parin ng dakdak si lola dahil sa hindi ko siya pinayagang maglaba.

Kinabukasan ay masama parin ang loob sa akin ni lola. Nung papasok na ako sa eskwalahan ay iniwas niya ang kamay niya nung magmamano ako.

"Sige na anak. Hayaan mo na iyang si lola mo. Oh ayan. Baon mo." Binigyan ako ni mama ng 100 pesos.


"Ma. Ilang beses ko po bang sasabihin sayo na hindi mo na ako kailangang bigyan ng baon ko? At ang laki pa nyan! Pag ulam na natin yan sa isang buong araw."


"Alam kong kumikita ka sa pagtitinda mo ng basahan anak, pero-" Niyakap ko ang nanay ko.

CuentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon