King Darwin(Dashiell's Father).

This can't be...

"M...magandang araw po mahal na hari." Magalang na bati ng dalagang nasa harapan ko ngayon.

Bakas pa rin sa mukha ko ang pagkagulat pero minabuti kong itago muna kung ano ang naramdaman ko nang makita ko siya. Siguradong magtataka ang asawa at anak ko.

"Magandang araw din sa iyo, hija. Anong pangalan mo?" Ganting sagot ko at bahagyang ngumiti.

"Caela po, mahal na hari."

"Tito Darwin na lang, hija." Masyadong pormal kung mahal na hari ang itatawag niya sa akin at hindi bagay kung siya pa talaga ang tatawag nito sa akin.

"You seemed so shocked when you saw her. Why, father?" Seryosong tanong ng anak ko.

"Nagulat lang ako nang makitang nagdala ka ng babae dito, at masasabi kong may taste ka anak." Natutuwang sagot ko kay Dashiell na seryosong nakatingin lang sa akin.

Alam kong magtatanong siya sa akin. Masyadong mapagmasid si Dashiell para hindi mapansin ang naging reaksyon ko kanina.

"Maupo ka na hija at magpapahanda lang ako ng meryenda natin." Nakangiting saad ng mahal kong asawa at nagtungo na sa kusina.

"Salamat po." Nakangiting sagot nito.

Namayani ang katahimikan sa aming tatlo kaya't ako na ang nag-umpisa ng usapan.

"So kailan mo sinagot itong binata namin, hija? Mabuti naman at napagtitiisan mo ang ugali ng anak kong iyan." Simula ko at sinabayan ito ng mahinang tawa.

"H...hindi naman po kami, Tito!" Namumula ang magkabila niyang pisngi.

"Pinagdaanan din namin iyan ng Tita mo kaya wag na kayong maglihim."

"Hala? H...hindi po talaga kami." Tanggi ni Caela na sinabayan pa ng pag-iling ng ulo.

Nakita ko namang nakatingin lang sa kaniya ang anak ko. Tingin ng taong hulog na hulog. Mukhang tinamaan na talaga.

"Binibiro lang kita, hija." Tanging tipid na ngiti naman ang naging sagot niya.

"Mukhang bago ka lang dito, ngayon lamang kita nakita."

"Ah, yes po. Transferee po ako."

"Oh, I see! Anong kingdom ang kinabibilangan mo?" Nakita kong tumingin siya kay Dashiell.

"She's from Aero Kingdom, father." Ang anak ko na ang sumagot para sa kaniya.

"Aero, huh? Okay! Sino ang mga magulang mo? From what clan?"

Muli itong tumingin sa anak ko at nakita ko naman ang pagtango ng ulo ni Dashiell.

"M...my adoptive parents, were a-already dead po." Nag-aalangan na sagot niya.

"Sorry to hear that, hija." Hinging paumanhin ko.

Nasaan kaya ang tunay na mga magulang nito? Pero sa kabila ng awang nararamdaman ko para dito ay isang konklusyon ang unti-unting pumapasok sa isip ko.

May posibilidad na siya talaga ito kung ampon lang siya. Pero bakit galing siya sa Aero kingdom?

"Okay lang po, tito." Sagot nito ng may pilit na ngiti.

"Sorry to ask this but, do you know where are your true parents?" I saw my son glaring at me. Parang gusto akong sapakin ng anak ko. Huhu! Kawawa naman ako, hindi na ako mahal ng anak ko.

"Dad, stop asking questions like that." Dashiell said.

No! May kailangan lang talaga akong malaman. Sorry Caela, Dashiell!

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!