Wizard's Tale 2: Chapter 29

133K 2.8K 347
                                    


-NOTICE-

This chapter is incomplete and has several cut scenes. Para mabasa ng buo, Wizard's Tale 2: Journey To A Happier Ending is still available at all leading bookstores nationwide (National Book Store, Pandayan, Fullybooked, Booksale, etc) . Kung wala kayong makitang naka-display sa bookstore na malapit sa inyo, pwede kayong magtanong sa customer service at magpa-reserve sa kanila. Kung walang perang pambili, kahit manghiram na lang kayo sa mga kakilala niyo.

* * *



(Alyanna POV)


Ito na ang unang araw ng pagsasanay ko kasama si King Hollace. Siya lamang ang makapagtuturo sa akin ng maayos kung paano kontrolin ang kapangyarihang minana ko dahil siya ang former bearer ng Lux.

Narito kami sa pinakamalaking magical arena ng kaharian. Kung susukatin ang lugar na ito, kasing laki ito ng arena doon sa Flemwall Wizardry Camp. Sadyang ginawa ang lugar na ito para makapag-practice ng matitinding uri ng mahika na may kaugnayan sa Lux. Sa gilid ng arena ay may mga nakahilerang iba't ibang armas. For sure ay gagamitin din namin ang mga 'yun.

Ngunit 'di tulad noon sa Awakening Ritual, walang ibang manonood sa pagsasanay kong ito. Tanging ako at aking ama lamang ang magsasanay.

Bago ang aming pagsasanay, "Makikinig ka sa iyong ama. Marami kang matututunan sa kanya at magiging malakas ka rin kagaya niya." Bilin sa akin ni Mama saka niya ako hinalikan sa noo at niyakap ng mahigpit. Pagkatapos ay nagngitian sila ni Papa bago niya kami tuluyang iniwan.

Ngayong wala nang ibang tao kundi ako at ang Hari na lang...

"Naihanda mo na ba ang sarili mo, mahal kong Prinsesa Yana?"

"Handa na po, Kamahalan."

"Bago natin simulan, gusto ko munang magkaroon tayo ng paglilinaw sa lahat. Ano ang totoong nangyari sa iyo doon sa bayan ng Terrashaw?" Kinabahan ako ngunit inasahan ko nang itatanong 'yun sa akin ng Hari. Hindi ko lang kasi nasabi sa kanila noon dahil hindi pa ako handang magkwento.

Nahihiya man ako pero sinabi ko ang totoo, "Nagpanggap po kasi noon si Night Hollowick na siya si Brylle. Inaya niya akong sumama sa kanya pero dapat ay bumaba muna ako sa pwesto ko bilang Prinsesa."

"Pinapababa ka niya sa pwesto mo bilang Prinsesa at pumayag ka?"

"Opo... at ikinahihiya ko po ang naging desisyon ko na 'yun. Malaki ang pagsisisi ko dahil alam kong mali at sobrang makasarili ang ginawa ko." Nakayuko ako habang nagku-kwento. "Matapos po nun ay hiniling na niyang ipaubaya ko sa kanya ang Lux Amulet."

"At ibinigay mo nga ito sa kanya."

Napakagat-labi ako at saka tumango.

"Alam mong kabilin-bilinan namin na huwag mong aalisin ang kwintas sa iyong tabi. Ang Lux Amulet ay ang pinaka-simbolo ng ating angkan. Ipinagkaloob ito upang gabayan at alagaan ang sino mang nakatakdang magmay-ari nito."

"Alam ko po... at natuto na po ako ng leksyon."

"Ngayon naman, masasabi mo ba sa akin kung ano pa ang ibang gamit ng kwintas na iyan?"

Napaisip ako ng iba't ibang gamit nito. Ang unang pumasok sa isip ko ay, "Direct link sa Luxurian Being."

"Tama! At sa tingin ko... mukhang nagkausap na kayo."

Ngumiti ako bilang pagsang-ayon. Kahit hindi na ako magkwento, alam ni King Hollace na nakausap ko na nga siya. Curious lang ako kung alam din ba ng Hari na kamukha ko ang Luxurian Being. Nagtataka rin kaya siya kagaya ko?

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon