Chapter 2

33 2 0
                                        

Lunes na at ito na ang umpisa ng aking unang araw sa college sana ay malagpasan ko ito at makisama ang puso ko.

~


Nagayos na ako ng mabilis para sumabay kay Ate sa pagpasok para makatipid ako sa pamasahe hinatid niya ako at bago niya ako iwan ay pinaalalahan niya ako na hanggang sa isang linggo lang daw ang aking dead line kapag daw wala pa daw ako nahanap na donor ay sasabihin na namin kela mama.

~
Huling dalawang araw nalang buti nalang may na hanap na ako kahapon.
sana mag match yung puso nya sakin para hindi na kami magkaproblema pa.

Maguuwian na tapos sabi sakin ni ma'am Ramirez dumaan daw muna ako sa covered court at tignan kung may naglalaro pa.

Pagpunta ko ay sarado na ang gate pero walang padlock kaya binuksan ko at pumasok ako may nagalalaro pa.

Sumigaw ako at sinita sila.
"Hoy! Bawal na maglaro dito kapag gantong oras uwian na diba tsaka gabi na nandito pa kau umuwi na nga kayo".

Patalikod na ako ng may sumigaw ng
"Hoy! Babae kilala mo ba kung sino ako at pinapalayas mo ako?!"

"Bakit? Sino ka ba diba estudyante kalang din naman dito kung makaasta ka ang yabang mo ha ikaw ba may ari ng school na to?!"

Hindi parin sila nag-patinag at pinag-patuloy parin nila ang paglalaro sumisigaw na ako

"nilakad ko pa 2 floor hanggang dito sa covered court tapos dedma pa kayo jan i-report ko kaya kayo kay Ma'am Ramirez!"

Nang paalis na ako ay bigla may bumato ng bola naramdaman ko ang lakas ng impact nagblack-out ako.

"Hoy! Sungit ano nangyari sayo binato ka lang ang hina mo naman".

~
Pagkagising ko ay nasa clinic ako at nakita kaagad ang asungot na lalaking yun at kausap niya ang nurse ng school namin.

Nang nakita kong papalapit na siya ay umupo na ako. Nahilo ako sa pag-upo ko.

Lumapit siya sa akin at tinanong niya ang pangalan ko.

"Hoy! Ano ba pangalan mo?"

"Anikka"

"James" sabay abot niya ng kamay niya sakin para makipag shake hands.

"Sabi ni Nurse Jane magpahinga ka lang daw baka hiningal ka lang daw".

Naalala ko hindi papala ako nakakapag-submit ng health records ko sa university clinic kaya hindi pa alam ng nurse na may heart complications ako.

Tumayo at naglakad na ako paalis sa clinic at tinawagan ko si becca para magkita kami.

pero nasa trabaho pa siya kaya pinuntahan ko nalang siya sa coffe shop na pinagtatrabahuhan niya.

~

Rabbit The Writer 

~

Vote & Comment

Fragile HeartWhere stories live. Discover now