xviii

4.9K 242 108
                                                  

Chapter 18: Dinner Out

"Naglilihi agad? Hindi, bihisan mo na si Jesper para makaalis na tayo. Gutom na ako." utos ko. Tumitig ng ilang segundo sa akin si Chanyeol bago nya nilabas si Jesper ng kwarto para sundin ang sinabi ko. Ako? Naglilihi? Well, nahihilo ako lately? Hindi. Nagkataon lang siguro naman yun. Maybe?

Nung nagbuntis ako kay Jesper hindi ako maselan. Hindi ako nagsusuka nun basta, lakas ko lang kumain eh, masungit naman kasi talaga ako madalas, hindi na included. Don't know? Parang hindi na ako umaasa? Kung mabibigyan ulit, darating naman yun pero gusto ko rin malaman. Sigurado akong matutuwa si Chanyeol. Kinuha ko ang PT sa drawer at nagCR. Ito na ba ang inaantay ko?
.
.
.
.
69 LINES. Pitinginuh! Ano to, ECG?

Bakit heartbeat na ng bata? Hala sya!

Mukhang defective yung PT. Maya maya, bumalik na si Chanyeol pero hindi pa nya kasama si Jesper. He sat next to me in the matress. Nararamdaman kong bumabalik yung excitement nya. Hoping for another kid. His eyes are glittering in excitement.

Sumagi sa isip ko yung napagusapan namin ni Namhyun. Gusto ko silang magkaayos eh. Kung papupuntahin ko si Chanyeol, maybe, both of them can talk and—work it out kesa magiwasan lang silang dalwa. "Chan, hindi na ba talaga magbabago ang isip mo dun sa party? Pagisipan mo," sabi ko. Ikinawit ko ang braso ko sa leeg nya, "Hindi habang buhay makakapagtago ka. To us, you are not a failure, Chanyeol. Wag mong isipin na ipagtutulakan ka nila just because of one mistake. Hindi sila perpekto at ikaw din. Hindi porket bunga ka ng pagkakamali, sila na lagi ang tama."

"Baekhyun," he murmured.

"Isa pa, ano man ang meron sa inyo ni Namhyun, bakit patuloy mong iiwasan hindi ba? Don't you want to fix it too? I mean, magkapatid kayo. Please, try to reconsider." pagkukumbinsi ko sa kanya. Niyakap nya ako, burying his face to my stomach.

"Magbabago isip ko kung may laman na ito." Nairolyo ko tuloy ang mata ko. Atleast, I tried? Sorry, Namhyun pero, ito lang kinaya ng powers ko. Ni hindi ko rin magawang sabihin kay Chanyeol about sa pinagawa sa kanya ng Appa nya na syang napagtagumpayan ni Namhyun. Ayoko. I don't want to mention about it. Sigurado akong iisipin na naman nyang failure sya.

And about that.. Aya? Dunno.

"NagPT ako, ECG lumabas."

Natawa sya, "Baka defective yun? Hindi na bale. Pwede naman tayong gumawa ulit mamaya, love." sabi nya at inabot ang labi ko para halikan. Chanyeol's hand roamed at my back, squeezing my ass. I pulled him by the nape to deepen our kiss. His kisses that whenever I get a taste... I just can't seem to have enough.  Wanting for more and more and more from him and making me crazy.

"Ayie, edi wow. Kiss kiss!" Jesper said.

Natawa tuloy kami ni Chanyeol.

"Halika na nga, umalis na tayo."

Sumunod sila sa akin. Pinagbilin ko muna kay Nanny Titey ang bahay pagkatapos nun ay bumyahe kami sa pinakamalapit na mall. Pinark ni Chanyeol ang kotse sa parking lot. Naghanap agad kami ng makakainan. Yung hindi masyadong matao. Gusto nila sa isang Japanese Resto pero hinila ko sila isa World Cuisine buffet. Oo, buffet sya. Gutom na ako.

"Wow, ang talap." sabi ko.

"Sigurado ka buffet?" Nagtataka namang tinignan nya ako. Anong masama sa buffet? Oo madalas sinasabi ko diet ako pero gutom nga ako di ba? "Miss table for three? May couch? Maarte kasi tong asawa ko eh." baling nya dun sa waitress at kinurot ko sya. Agad namang umoo si gurl at ginuide kami kung saan may available seat na couch. Kami ang nauna kumuha ni Jesper at si Chanyeol ang nagbantay ng gamit namin. Dami ko kinuha.

ChanBaek: One Drop Per Second (TF#2 Mpreg) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon