TAL. 10 --  Cassandra vs Pride

Cassandra's PoV


"Cassandra!" tuwang-tuwa na tumayo sya sa mula sa pagkakaupo sa pabilog na mesa at sinalubong si Chanel. Hindi naman nya ako napapansin dahil sa kabilang entrance ako pumasok. Kinailangan ko pa kasing i-park ang sasakyan sa kabilang side nitong bar-cum-restaurant kasi day off ng driver ni Chanel. Sinabihan ko naman si Chanel na mauna ng pumasok sa loob at ayan nga, napagkamalan ni Gino na ako si Chanel. Lokaret na bakla talaga!

"I missed you, girl!" niyakap ni Gino si Cassandra habang ako naman ay tahimik na lumakad palapit sa kanila. Sa likod na part ni Gino para hindi nya ako makita. Ayoko namang i-spoil ang kadramahan na naipon ni Gino diba! "Ikaw talaga! Kung hindi ko pa sinabi na magkita tayo, hindi kita makikita! Ilang days na akong nandito sa Pinas from Barcelona! Marami akong pasalubong sayo, bruha!" patuloy na sabi ni Gino na parang may armalite ang bibig.

Nagkibit balikat ako ng tapunan ako ng nagtatakang tingin ni Chanel. Nginitian ko na lang din sya at sinabing okay lang 'yan. Para namang naintindihan nya ang sinabi ko dahil marahan syang tumango at hindi pumapalag sa yakap ni Gino.

Good job, Cassy! sabi ko sa sarili ko. Kasi ba naman, inayusan ko si Chanel sa paraan kung paano ako mag ayos. Mini dress, stilettos, red lipstick, and fully made up face. Nakakatuwa lang na para na talaga akong nanalamin ngayon from head to foot! Dati kasi facial features lang ang magkamukha kami, ngayon kahit appearance na. Para na tuloy akong may living doll. Inaayusan kapag gusto ko. Nakakalibang nga eh.

"Teka nga." inilayo ni Gino si Chanel at pinagmasdan mabuti. "Parang may iba sayo." muling pinasadahan ni Gino ang kabuuan ni Chanel.

Pinag krus ko naman ang mga braso ko sa dibdib ko at hinayaan lang sila. Nakita ko namang alanganing ngumiti sa kanya si Chanel. Bakas ang asiwa sa kanya ngayon.

"Ano nga ba ang iba sayo? Hmmm." Parang nag-iisip na sabi ni Gino. Hindi pa rin naman nya binibitiwan si Chanel. "Is it your shoes? Oh, yeah! Tama! Is that a Jimmy Choo's Peep Toe Pumps? What happened to your Christian Louboutin limited edition? Don't tell me, nakapag-asawa ka lang, iba na ang paborito mong brand? Wait. That makes me remember about your secret wedding! Is that true? Grabe!" tuloy-tuloy na sabi ni Gino na ikinahinga ko ng maluwag. Ayoko pa mapansin nya na hindi ako ang kausap nya. Nage-enjoy pa kasi ako panoorin sila. "Tama ba talaga 'yung text mo nung nasa Barcelona ako na ikinasal ka na?" kahit nakatalikod sa akin si Gino, alam kong nanlalaki ang mga mata nya ngayon habang ini-interrogate si Chanel.

Alanganin namang napatango na lang si Chanel dahil na din sa pang-uudyok ko na tumango sya.

"Teka nga! Para talagang ang daming nagbago sayo!" dahil nga hindi pa rin sila nakakaupo, inikot ni Gino si Chanel para makita muli ang kabuuan nito. "Ganyan pa rin naman ang clothes mo. Alexander McQueen's bodycon dress suits you really nice." iniharap na nyang muli si Chanel sa kanya, "Maybe I am just overreacting! Maybe I just really missed you!" at muli na naman nitong niyakap si Chanel.

Nakakatawa talaga si Gino. Ganyan pala nya talaga ako ka-miss!

"It's been like what? Two months? Ay no, it seems like ages since we last saw each other!" OA pa rin na sabi ni Gino ng hilahin na paupo si Chanel. "Kwento ka, dali! What happened to you? To Papa Daryl? Are you getting along well? How was he? Is he really good in bed?" napasapo ako sa ulo ko ng marinig ang sinabi ni Gino. Kahit kailan! Napaka bakla!

And this is my cue para pumasok na sa eksena. Mamaya nyan kung ano-ano pa ang masabi nito kay Chanel. Knowing Gino, napaka balahura nito.

Humakbang na ako palapit sa kanila at marahan na tinapik sa balikat si Gino.

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!