Isang linggo na ang nakalipas.

Hell week na rin ngayon dahil panay exams at pasahan ng requirements ngayong week. Nakakahiya nga sa bahay eh. Si Daddy kasi nakita niya akong nagrereview. Eh syempre fresh pa ang heartache ko kaya umiiyak ako habang nagrereview, tapos nakita ako ni Daddy! Nakakahiya lang! Mukha akong baliw.

Tinanong niya pa kung bakit ko daw iniiyakan yung notebook ko, sabi ko nakakaiyak kasi yung mga tanong. Ewan ko lang kung nauto ko si Daddy, pero hindi naman na siya nagtanong eh.

Papunta ako ngayon sa greenfield. Masarap hangin dun eh. Nagulat naman ako nung may naabutan ako dun.

"Parang nung unang nagkita lang tayo dito ah?" sabi ko sa kanya sabay upo ko sa tabi niya.

"Oo nga no? Sarap kasing matulog dito eh."

"Tss. Matutulog ka na naman? Parang pag nakikita kita eh lagi kang natutulog ah? Seriously, bakit ang antukin mo? Hahaha."

Di kaya bampira si Patrick?

Ay oo nga pala, si Patrick yung kausap ko. Actually, close na close na kami nyan. Kasi daw nakamove-on na daw siya "SLIGHTLY" sa akin. Adik niya lang eh no? Okay lang naman yun sa akin. Di na kasi ako naiilang sa kanya kasi friendship lang talaga ang gusto kong maging relasyon namin. Hanggang doon lang.

"Eh masarap matulog eh. Try mo rin."

Napaka-bad influence talaga ng lalaking 'to. Alam naman niyang may exams ako ngayon tapos aayain akong matulog?

"May exams pa ako no. At ikaw? Hindi ka ba magrereview? Talino mo ah!"

"Tss. Stock knowledge."

"Yabang!" tapos hinampas ko siya ng notebook kong makapal.

Nagkwentuhan nalang kami dun. Wala ring sense kung magrereview ako dahil dinadaldal niya rin ako eh. Bad influence talaga. Gagayahin ko nalang siya. Aasa ako sa stock knowledge! Kung meron man.

"Ui Patrick, pano ba magmove-on? Patulong."

Nababaliw na talaga ako. Pano kahit nag-rereview ako eh puro Darryl laman ng utak ko. Ayun tuloy, naiyak ako. Ang malala pa nakita ni Daddy.

"Huh? Bakit?" Ang slow naman ni Patrick. Tss.

"Eh kasi po. Ayoko nang umasa. Dun sa lecheng Darryl na yun. Bow." Nanlaki naman yung mata niya. Problema nito? Bakit siya nagulat eh alam niya naman yung mga nangyayari! O..or not?

"Loko yun ah? Sabi ko wag kang sasaktan eh. Tsk. Gago talaga yung lalaking yun. Nagpaubaya na nga ako eh." Ano daw? Di ko gets. Sino ba kausap niya? Binatukan ko nga.

"Aray ko naman." Bigla naman akong natawa. Nakakatawa naman kasi yung reaksiyon niya. Pano parang hindi man lang nasaktan! Straight face pero nag-aray! Hahaha!

"Eh kasi para kang baliw dyan eh. Pinagsasabi mo?"

"Ahh wala. Wag ka nang magmove-on. Baliw kasi kayong dalawa eh."

Okay. Kaibigan ko ba talaga 'to? Gusto ata nitong nasasaktan ako eh! Gumaganti?

"Hindi ako baliw no!"

"Oo na hindi ka baliw. Manhid lang."

Haaaa? Ako pa ang manhid ngayon? Eh yung Darryl na yun nga ang manhid eh! Lagi nalang Andrea! Andrea! Kulang nalang magpakasal sila eh! Bwisit!

"Siya kaya yung manhid. Tss. Tapos may Andrea pa siya. Psh!"

"Selos ka naman? Wag ka nang magselos, may gusto rin sayo yun."

Campus Royalties (Kingdom University, #1)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!