Kabanata 18

621K 21.1K 12.9K

Kabanata 18

Friend

Pagkatapos naming magjogging ay nagkasundo kaming sa kanila na mag dinner. Pumayag naman ako.

I felt really relieved. I know Leon's true to his words. Ilang beses ko nang napatunayan iyan. At kung sasabihin niyang ako lang, ako nga lang talaga.

"Where have you been, hijo?" salubong na tanong ni Don Pantaleon sa apo nang dumating kami.

Nagmano si Leon sa kanyang lolo. Sa likod ako at nag-aantay sa pag diretso ni Leon sa dining area.

"Nag jogging kami nI Freya sa Tereles, Lo. Bakit po?" he asked.

"Ang Ate Leandra mo ay narito. Hinihintay ka. Nasa dining area. I was about to call you when the maid said you're home."

Tumango si Leon. Sabay silang naglakad ni Don Pantaleon patungo sa dining area. Nilingon ako ni Leon at ngumisi siya.

"Gutom ka na?"

Umiling ako.

"You're lying. Diet na naman?"

"Hindi ako nagda-diet 'no," giit ko.

Sa dining area ay naroon na si Ate Lea. Naroon na rin si Governor. Uminit ang pisngi ko. Mukhang private family dinner ito at narito pa ako. Napatingin si Ate Lea sa akin. Ngumiti siya. Thank God the Revamontes don't usually unwelcome guests.

"Hindi n'yo kasama si Juliet?" tanong ni Ate Lea sa akin.

Sinagot siya ni Leon. "Nag jogging kami ni Freya. Si Juliet, nagpaiwan. Siguro ay sa kanila iyon umuwi..."

Tumango si Ate Lea. Pinaupo ako ni Leon sa tabi niya. Tumikhim ako at tumuwid sa pag-upo. Masyado namang pormal dito.

Pinagsilbihan kami ng kanilang mga kasambahay. Nilagyan ng juice ang aking baso at pati ang paglalagay ng kanin ay sila pa ang gumagawa.

Nakapag dinner na ako rito kina Leon. Pero hindi naman ganito ka pormal. Siguro ay kapag may bisita, hinahayaan na lang muna ng kasambahay. Pero kapag sina Leon lang ang nasa bahay, ganito sila kung makapag silbi.

Nagsimula na kami sa pag di-dinner. Tahimik si Gov. Si Don Pantaleon lang ang patuloy na nagtatanong kay Ate Lea.

"Kumusta si Kaius?" tanong ng matandang Don.

"Maayos siya, Lo. Uuwi siguro iyon. Pero next year pa lang."

"Ano bang pinagkakaabalahan niya doon? Did he really pursue his love for art?"

Umiling si Ate Lea. "If you mean his love for sculpting, he said it's just his pastime. Lo, he's pursuing Architecture. He said it's almost related."

Tumango si Don Pantaleon. "That's great. Ang alam ko lang si Nicholas ang gustong mag Business. Though..." tumawa ang matanda. "I'm not sure if he's serious about that. Baka naman may apo na ako sa kanya?"

Tumawa si Ate Lea. "Don't expect from Nico. Even kay Kaius, lo. Parehong mapaglaro ang dalawa."

"Kay Leon na lang pala..." sabay tingin ni Don Pantaleon kay Leon.

Nilingon ako ni Leon.

Napainom ako ng tubig. Kumislap ang mata ng matandang Don at tumawa. Ngumisi rin si Ate Lea.

"Pati ba si Kai, sa susunod na taon pa babalik, Lea?" tanong ni Governor sa wakas.

Kanina pa siya walang imik. Nakikinig lang sa usapan. I wonder if he misses his other sons? Panigurado, hindi ba? Mga anak niya 'yan.

"Opo, dad," simpleng sagot ni Ate Lea.

"Mga anong buwan?"

"Iyan ang hindi ko sigurado..."

Ripped: Freya (Alegria Girls Series #2)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!