[ 7 ] Truth or Dare

Magsimula sa umpisa

"Ang dami mong arte. Magsasabi ka lang ng pangalan. Simpleng tanong pero hindi mo pa masagot" -Gab

"Gusto niyo talaga malaman? Si Gab" naiinis na sinabe ni Jin

Nagulat silang lahat ng marinig iyon. Ngayon naiintindihan na nila kung bakit ganun magtratuhan ang dalawa. Hindi lang nila maintindihan kung paano nangyari iyon.

"Seryoso ka ba bessy? Bakit ngayon ko lang nalaman ito?" tanong ni KL

"Mahabang kwento bessy. Paikutin na natin ulit yung bote" -Jin

Pinalagpas na lang nila iyon dahil ayaw magkwento ni Jin. Tumapat ang bote kay Steven at si KL ang magtatanong.

"Dare para may thrill" malakas na loob na sinabe ni Steven

"Kumain ka ng tatlong sili. Sandali, kukuha lang ako" -KL

Madaling kumuha ng sili at tubig si KL saka bumalik doon. Agad na kinain iyon ni Steven kahit na hindi siya mahilig kumain ng maanghang.

"Shit! Ang anghang!" reklamo niya

Napatayo doon si Steven at pumunta sa kusina para uminom ng mas marami pang tubig at kaagad na bumalik. Pinaikot ang bote at kay KL tumapat habang si Steven ang magtatanong. Natuwa si Steven dahil gusto niyang bawian ito sa pinagawa nito sa kanya

"Dare" -KL

"Lagot ka sakin ngayon! Gawin mo din ang pinagawa mo sakin" utos ni Steven

"Yun lang ba? Sandali, kukuha ako" -KL

Kumuha ulit ng sili at tubig si KL at madali niya iyong kinain. Sanay siya kumain ng maanghang kaya walang problema sa kanya ang pagkain noon.

"Hindi ka man lang ba naanghangan?!" tanong ni Steven

"Naanghangan pero sanay ako kumain ng maanghang kaya okay lang" -KL

Pinaikot nila ang bote ulit. Tumapat iyon kay Gab at si Steven pa din ang magtatanong.

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!