“Dito???” di makapaniwalang sabi ni Kent ng marating na nila ang gustong puntahan ni Phoebe.

“Oo Kent!! Sige na! Masarap mga pagkain dyan sa kalye na yan!!”

Maraming turo-turo at street foods ang nagkalat. Pinipilit ni Phoebe na bumaba si Kent at kumain ng mga favorite niyang kwekwek, isaw etc.

“Baka hindi yan malinis! Ano ka ba pinagpalit mo ang Italian food sa… street foods? Eto ba ang better idea?”

“Ano ka ba kumain na kami diyan ni Jhone! Masasarap yan. Hindi naman kami namatay nung kumain kami eh. Tska tignan mo ah! Ang dami-daming kumakain!”

Tumingin muna si Kent sa dami ng tao.

“Aish sige na nga!!”

“YAY!!!!!”

“Ang ganda naman masyado ng damit ko… para sa kalyeng yan. Dyan mo lang pala gusting mag-date. Pa-mall mall ka pa kanina.”

“Eh eto yung naisip ko ngayon eh.”

“Magpapalit lang ako ng damit… lalo tayong pagtitinginan dyan eh.” Sabi ni Kent.

“May extra kang damit??”

“Syempre marami akong damit dito…” lumipat si Kent sa likuran at naghanap ng damit.

“Ahh. Bilisan mo ha…”

“Halika nga dito ikaw magbihis sa akin ang sakit ng katawan ko pa rin eh.”

“Baliw!! Haha sumusobra ka na ha!! Bilisan mo dyan.”

Natatawa-tawang nagbihis na nga si Kent.

Secretly Married .ƒĢ. (Completed and Published in English and Indonesian)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!