Chapter 12: You, Me, Plus The Devil Makes Three

129K 1.5K 160

If I Fall Chapter 12: You, Me, Plus The Devil Makes Three

(Wes' POV)

I hate Tuesdays. Ewan ko ba. Tinatamad talaga ako pag Tuesday. Hindi kasi ako naeexcite pag Tuesday. Seryoso. Bakit?

Kasi pag Tuesday ko lang nakikita si Papa.

Busy kasi si Papa sa law firm nya. Oo, nya. Though samin talaga yun, trip ko lang tawagin na sa kanya yun. Pano ba naman, pinipilit akong mag-Law. Ang gusto ko talaga eh Physics, Film or Engineering. Sya tong pilit nang pilit na mag-Public Administration ako sa Diliman. Just like him. Hindi nya ko junior ha. Isusuka ko sarili ko kung naging Jethro Rodriguez Jr. ako. Seryoso.

Isang example ng inis scenario ko sa tatay ko eh ito. Ngayong Tuesday. Saktong kakalabas ko lang ng CR nang katukin ako ni Anais, younger sister ko.

Anais: Kuya, dalian mo raw dyan. Breakfast.

Ako: Ba't umakyat ka pa dito?

Anais: Si Papa dumating na.

Parehas kaming irita ni Anais kay Papa. Masyado kasing protective si Papa kay Anais. Nakidnap kasi tong kapatid ko nung 4 years old sya. Yung client kasi ni Papa dati big shot, may kalabang taga-underground. Ayan. nakidnap si Anais nung nasa Bulacan kami. Wala namang nangyaring masama kay Anais nun. After 10 years, may phobia pa rin si Papa na baka makuha kapatid ko. May curfew ng 7pm at bawal gumala. Define praning.

Sinadya ko talagang bagalan magbihis. Alam ko na kasi yung pag-uusapan namin: UPCAT. Oo, graduate sya sa UP Diliman. Sya na.

At pucha, ayun nga. UPCAT nga pinag-usapan namin. Hindi pa ako nakakaupo yun na bungad nya.

Papa: Wesley, kamusta UPCAT application form mo?

A: Okay naman po, Pa. Ipapasa ko na po mamaya sa Registrar. May batch processing po kasi samin.

Papa: Good. Nilagay mo ba dun ang Public Ad?

A: Hindi po.

Papa: Papano mo mamamana yung law firm nyan? Baguhin mo na lang yung second choice mo.

Mama: Pa, puro BS courses ang pinili ni Wes. Pre-Law lahat yun. I checked it. *tumingin sakin si Mama*

Alam ni Mama na asar ako kay Papa. Ilang bese na nyang sinabi sakin na intindihin yang si Jethro. Kainis.

*beep beep*

Papa: Ayan na service mo, Anais. Baka malate ka pa.

Anais: Shoot. Sige po una nako. Byeee! Kuya, Guitar Hero later ah!

Ako: Sure!

(Sa isang all-girls school pumapasok si Anais. Wag nyo nang itanong kung bakit.)

Nakakawalang ganang kumain kapag pinag-uusapan ang acads. Nakakaumay! Dapat daw maganda ang grades blahblahblah. Hindi pa ba sapat na nasa Honors ako at Top 5 ako last year sa 3rd Year ranking? Lecheng buhay yan. Kahit gutom pa ako, umalis na agad ako. Baka kung ano pang masabi ko.

If I FallRead this story for FREE!