Chapter Twelve

Magsimula sa umpisa

 

Tumalikod na kaming tatlo ng luhaan, actually parang ako lang yung luhaan, pero idadamay ko na rin sila. Bigla kaming may narinig na ‘victory song’ mula dun sa stall, “Congrats Sir! Eto na po yung main prize niyo!”

 

Inabot na ni kuya si Monokuro Boo dun sa lalaking nanalo. Uwaaa! Ang sakit sakit, bakit ang dali niya naman atang manalo? Ang daya! Bilhin ko na lang kaya dun sa lalaki? Mukha namang hindi bagay sa kanya magtago nga mga ganung klaseng stuffed toy, at tsaka wala naman ata siyang girlfriend na pagbibigyan nun eh. Aish, bahala na!

 

Lumapit ako dun sa lalaki, “Excuse me— IKAW?!”

 

“Bakit?” si Dylan lang pala ang nakakuha nung prize. Hindi man lang siya nagsasalita, kanina pa ako nagdadrama over that stuffed toy tas nakuha niya in one try?!

 

“Akin na lang yan please! Babayaran na lang kita sa school!” sabi ko sabay ngiti ng sobrang lapad. Tinignan niya muna yung stuffed toy tas bigla siyang umiling.

 

“Ayoko nga, pinaghirapan ko ‘to eh.”

 

“Sige na please! Kahit ano gagawin ko, promise!” sabi ko, halos lumuhod na ako sa harap niya. Ganun ko talaga kagusto makuha yung stuffed toy. Sorry naman ha!

 

“Kahit ano?” ngumiti siya ng nakakaloko.

 

“E-except sexual acts shempre! Malinis akong babae!” sabi ko tapos ay lumayo ng kaunti sa kanya. Baka naman kasi yun yung iniisip niya, tsh.

 

“Pfft, as if naman gugustuhin ko yun. O sige, sayo na ‘to. Pero I’ll be your boss for a month.” Sabi niya tapos ngumiti ulit. For a month para sa isang stuffed toy?!

 

Napaisip muna ako, mabilis lang naman ang isang buwan eh… bahala na!

 

“Okay fine.” Inabot niya na sa akin yung stuffed toy at nagtatatalon ako sa tuwa. Yey, nadagdagan na yung collection ko!

 

Padilim na din, kaya nagkayayaan kami na sumakay sa Ferris Wheel. Maganda daw yung view dun pagkagabi, at tsaka may fireworks display daw na magaganap. First time kong sasakay ng ferris wheel ng madilim na, na-eexcite tuloy ako!

 

Nasa pila na kami nang biglang humiwalay sila Kurt at Mich sa isang capsule, habang kami ni Dylan napunta sa separate na capsule. Pwede namang isang capsule na lang eh! Awkwardness ang pumalibot sa amin the whole time. Hindi ko alam kung makakapagsalita pa ako o hindi, ang tahimik niya naman kasi masyado… well ganto na talaga siya sa classroom pero hindi pa rin ako sanay nung kaming dalawa lang.

 

"Dylan…"

"Elaine..."

 

Sabay pa kami ah, at nagkatinginan pa. Aish. Ang weird naman sa pakiramdam nito. Bakit bigla akong nahiya sa kanya? Kadalasan naman kahit sigaw sigawan ko ‘to, okay lang sa kanya eh.

 

"Ikaw muna..." sabi ko.

“Ready ka na ba sa performance natin bukas?” tanong niya. Jusko, bukas na ba yun?! Bakit ang bilis naman ng araw?

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!