“Eh di 85% na.” Sabi ko habang unti unti akong dinuduyan ng antok. Bakit ba parang nakasleeping pills ako? Hirap talaga kung tig dadalawang oras lang ang tulog mo sa loob ng tatlong araw. Para tuloy akong nakadrugs. Lumulutang.

“Hindi pa din. Matulog ka na muna.” Naramdaman ko na ang pag upo niya sa kama. Grabe kahit ganitong lasing ako sa antok, fully tuned pa din ang lahat ng senses ko sa kanya.

“Wala kang isang salita. Wala kang kwentang holdaper.” Narinig ko ulti ang tawa niya.

“Xiara, matulog ka na. Tatabihan kita.” At humiga nga siya sa tabi ko at niyakap ako. Napangiti ako. Ahhh… this is the life.

“Jude…”

“Hmmm?” I felt him hug me tighter and kissed my temple. My heart was filled with tenderness ek ek. Ang corny pero yun talaga ang naramdaman ko. At hindi ko inakalang mag iisip ako ng mga ganito kakorning thoughts.

“99.9% inlove na ata ako sayo. Germ Free.” At narinig ko ulit ang malutong na tawa niya bago ako natalo ng antok.

Kinatanghalian na ako nagising. Mga 12 hours din akong natulog. Pagkagising ko nga akala ko panaginip lang si Jude. Kung hindi lang siya lumabas sa banyo na bagong ligo talaga iisipin kong panaginip lang ang lahat. Buti na lang nakita ko ang 100 abs niya.

“Gising ka na pala. Akala ko kailangan na kitang e NGT.” Nakangiting sabi niya sa akin. Napangiti din ako sa kanya at lalo akong napangiti nung nagbibihis na siya.

“Good noon nunal.” Nakangising sabi ko. Napalingon siya sa akin at nagsmirk.

“You want to give him a good noon kiss?” A naughty smile is playing on his lips. Napatawa ako.

“Asa! If I know, pinagnasaan mo ako ng todo habang binihisan mo ako.” Iba na akasi ang suot kong damit. Hindi na ako nakajacket at hindi na din ako nakajeans. Nakapajama na ako. And who else would do it?

Nakita ko siyang namula bigla. Ahhh.. he blushed. He is capable of blushing. Napatawa ako ng malakas.

“Binihisan kita ng walang malisya!” Defensive na sagot niya. Tumayo na ako sa kama at kumuha ng tuwalya na na closet sa tabi niya.

Lumapit pa ako sa kanya at binulungan siya.

“Neknek mo! Your face says it all.” At iniwan ko na siya at pumasok sa banyo.  Tatawa tawa ako habang naliligo. Akala ko ba nawala na ang pagkapikon nun?

Pagkatapos kong maligo wala na siya sa loob ng kwarto pero nung makabihis na ako, tsaka siya kumatok na may dalang pagkain. Ang galing tumiming nito. Sana binagalan ko ang pagbibihis. Tingnan ko lang kung hindi siya tatadtarin ng malisya.

Sabay na kaming kumain dahil kanina pa pala nakaalis ang mga kasamahan namin. Iniwan na kami. Siguro kung ano ano na naman ang pumasok sa mga isip ng mga yun. Mga malisyoso pa naman yun. Mabuti sana kung nangyari ang pinag iisip nila pero hindi naman.

Pagkatapos kumain nagyaya na siyang umalis kami. Akala ko babalik na kami ng Maynilapero hindi pala.

“ Uuwi muna tayo.”  Pang iistorbo niya sa pag idlip ko. Napatingin ako sa kanya.

“Bakit?”

“Because we’re getting married Jamie Xiara.” Baliwalang sabi niya. Tumaas ang kilay ko.

“Bakit pa? We’re already married.”

“Dahil ayaw kong tuwing maalala ko ang kasal natin, the first thing that comes into my mind is you threatening to kill me.” Tiningnan niya ako ng masama. Napatawa ako.

“Grabe ka! Hindi naman ganun. Pinuri pa nga kita. Sabi ko ang cute cute mo. Sarap mong patayin. Tsaka ikaw din naman ah.” Umiling iling  

“Kaya nga! Tsaka nakakahiya kina Tito, di man lang kita nabigyan ng maayos na kasal. Ikaw ba hindi nahihiya?”  Bakit ba siya nabubugnot tungkol sa kasal?

“Hindi. Bakit ako mahihiya? Hindi naman ako nakahubad.” Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti. Napatingin siya bigla sa akin at napabuntunghininga.

“Bakit nga ba ulit in love ako sayo?”  nayayamot na tanong niya.

“Because you divirginized me?” Painosenteng tanong ko. Bigla siyang napapreno.

“Jamie Xiara!” Nanlalaking ang mga mata na bulyaw niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napatawa ako ng malakas.

“Ahhhh…nakikita ko na ang kapalaran mo Angelo Jhudiel Villegas. Maliwanag na maliwanag.” Pinilit kong magseryoso kahit na unti na lang tatawa na naman ako ulit.

“Magiging under kayo ng nunal mo.” And I burst out laughing. 

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!