20th Chapter

360K 6.4K 332

Follow me on twitter:  @beeyotchWP and like Eydee's Stories on FB!

//

20th Chapter



"Good morning, Andy!" I told him habang nasa bahay nila ako. He looked--- surprised?

"Good morning din. Bakit ka nga pala nandito?" He asked. Mukhang gulung gulo siya kasi nakakunot yung noo niya. Tss. Pasalamat nga siya umeeffort pa ako na sabayan siyang pumasok.

"Sabi kasi ni Tita, ako ang magiging tour guide mo sa school since may temporary amnesia ka ngayon." Actually, i volunteered myself na maging tour guide ni Andy. Hehe. Napag desisyunan ko na kasi na ipaglalaban ko 'tong unggoy na 'to. Kahit gag0 'to, wag ka, pinapasaya ako nito. Tsaka isa pa, hindi bagay ang unggoy at bangus. Hindi sila pwedeng magkaron ng cross-breed. Mwahaha!

"Ah-okay? Pero kasi sabay kami ni Jamie tuwing break time, okay lang ba na tatlo tayo? I mean, okay lang naman siguro since close friends kayo di ba?" Utot mo. Mas pipiliin ko pang makipag best friends sa aso kaysa sa bangus na 'yun.

Ang dami kong side comment sa loob ng utak ko. The hell.

"Oo naman." I smiled. Sheeet. Ang plastik mo, DK. :| Well, forever naman akong plastic eh. Hehe.

"So, tara na? Anong oras ba ang start ng class mo ngayon?"Tanong niya habang kinukuha niya yung bag ko.

"9 pa naman. Ikaw ba?"

"9 din. Eh 7 pa lang, san tayo?"

"Tambay na lang tayo sa lounge. Mag gala gala tayo, okay lang sa'yo?"

"Oo naman. Teka, kumain ka na ba ng breakfast?"

"Hindi pa nga eh. Hehe. Aayain mo ba ako?" Tapos nagpuppy eyes. I know, ang ganda ko. Lmao.

"Aray!" Bigla niya kasing pinitik yung noo ko. "Problema mo?"

"Wag ka ngang pa cute. Di kaya bagay sa'yo." Sabi niya habang tumatawa. Loko 'to ah. "Ulol. Alam kong hindi talaga ako cute kasi maganda ako. Aminin mo."

"Oo na, oo na. Tama nga si Jamie, ang vain mo."

"Ano?!" Oo, alam kong maganda ako pero hindi ako vain noh! Tsaka ano naman kung sabihin kong maganda ako? Mahirap ideny ang obvious. Tss. Yung bangus talaga na 'yun!

"Wala. Tara na, ang aga aga lukot na lukot na yung mukha mo. Tss."

Tapos pumunta na kami sa dining room nila tapos kumain na kami. After nun, pumunta na kami sa St. Claire's at tumambay sa lounge. Hehe. Pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Bakit ba sila tingin ng tingin?" Tanong ni Andy. Hindi ko naman masabi na kaya sila tingin ng tingin kasi nagtataka sila kung bakit tayo magkasama kasi alam nila na magkagalit tayo. As in magkagalit. Nagfile pa nga ako ng TRO eh tapos biglang magkasama tayo? Hindi malabong magtaka nga sila.

"Wala yun. Sikat ka kasi kaya sila tingin ng tingin."

"Ah. Kaya pala."

Habang nagkkwentuhan kami, biglang nagring yung phone ni Andy kaya umalis siya para sagutin. Pagbalik niya, "Dana, pwede bang iwan na kita dito? Nagpapasundo si Jamie eh.."

Processing..

Processing..

Processing..


Ang kapal ng babaeng yun ah! Ako nga hindi nagpapasundo nung may something kami dati pero siya? Oh my god!

"Ah-eh, sure." Fck. Ggo. Bwisit. Leshe. Read between the lines, Andy. I don't want you to go..

"See you later." Then he left. 

Wow. Ang gandang simula ng taon. 

x X x

"What's with the face?" Dumating si Kim at Nof. I was about to answer but, "Ah. I see."

"Huh?"

"There oh. PDA at its best." Then i turned around and saw Jamie and Andy.. kissing like there's no tomorrow.

"Sht." I muttered to myself. 

"Who's up for clubbing? My treat."

"Are you serious? Magccut ka?"

"Don't be stupid, DK. It's not like this is the end of the world. If you really love that guy, fight for him. Walang mangyayari kung maglalasing ka."

"I'm not stupid. You know, the moment he believed in the lie that Jamie's his girlfriend, he already lost me.. So yeah, who's up?"

Right, nandito kami sa club ni Dave, my second home.

We partied. We danced. We mingled. Ang daming lalaki dito, ang daming pagpipilian. The choice is mine. Either i'll get bitter or i'll be better. And obviously, bitter ako. Tangina lang.

"Dana."

"Dave! Si Sara?"

"Sa school. Ikaw? Bakit ka nandito?"

"Eh bakit ka din nandito?"

"May naiwan kasi ako sa office eh. Oh, bakit ka nandito?"

"Si Andy kasi eh.."

"Tsaka yung Jamie?" Pano niya nalaman?

"Ba't ganyan ka makatingin? Tinanong kasi ako ni tita tungkol kay Andy at Jamie, and obviously, wala akong alam tungkol sa kanila. And besides, nakita ko sila kanina sa lobby na nagmmake out.."

"I know.. I saw them."

"Anong pakiramdam?"

"Masakit. Ano sa tingin mo? Masaya?" Sorry. Pilosopo talaga ako pag naiinis.

"Alam mo, para kayong tanga. Ganyan din kasi yung sagot ni Andy dati nung tinanong ko siya dati kung ano nararamdaman niya pag nakikita niya kayo ni Cy eh."

Tameme. Hindi ako maka react. Biglang napatingin ako sa box sa counter, inabot ko and to my surprise, "Kailan to pinadala?"

"Ah-eh, kahapon? Na delay kasi yung shipment, dapat nung birthday ko pa yan eh.."

"Ah, okay."

"Hindi ka ba magtatanong tungkol sa kanya?"

"Why would i bother? Iniwan niya ako. Tapos na kami. Good luck na lang sa kanila ni Ynna. Leshe. Makaalis na nga. Nakaka badtrip na araw 'to!"

I, therefore, declare war against the Henares sisters! Damn you both!

FHADGK 2: Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!