Saging's Note:

I dedicate this story to Ate Alyloony. Nung makilala ko si Ate Denny, doon ko din nakilala si Ate Alyloony. Sobrang nagustuhan ko 'yung story niya na "The Other Side" na sobrang nagustuhan ko dahil kontrabida 'yung bida. Lalo ko pa siyang inidolo dahil sa storya na "Angel in Disguise." Pero all in all, isa din siya sa mga favorite author ko dito sa wattpad.

Chapter 2

After akong i-excuse ni Daniel sa klase ko, agad din kaming nagpunta sa gym. Actually hatak-hatak ako ngayon ni Daniel kaya naman katulad ng nangyayari sakin tuwing magksama kami, napapatalon ang puso ko.

Kaso medyo napapahigpit lalo ang hawak niya kaya naman nagsalita na ako. "Daniel, pwe-pwede bang bitawan mo na ko." Bulong ko sa kaniya kaya naman tinitigan niya ako bigla. "Masakit na kasi."

" Ang cheesy niyonaman!"

"Yan ba pinalit mo kay Aimee Pare?"

"Captain? Nag iba na ata taste mo sa babae."

'Yan ang mga naririnig kong sigaw ng mga kateam mates ni Daniel habang 'yung iba ay tumatawa pa. Alam ko na namang baduy at hindi ako maganda pero hindi na naman nila dapat ipamukha pa sakin na hindi kami bagay ni Daniel. Masakit kasi sa pakiramdam na hinding-hindi kami magiging bagay ng taong mahal ko.

Agad naman akong binitawan ni Daniel at nilapitan niya na ang mga kateam mates niya. Eto yung pinakamasakit sa lahat dahil hindi man lang niya ako pinagtanggol. Kinahihiya niya ba ko?

"Ha? Hindi Pare. Siya ba? Watergirl natin ngayon si Alisha." sagot niya sa kanila.

Aray. Ang sakit na talaga. Hindi na nga niya ako ipinagtanggol, tinawag pa niya akong water girl. Please make this stop. Nasasaktan na talaga ako.

After nila mag-usap, nagsimula na silang magpractice habang nanunuod lang ako sa kanila. Nawala ang inis at lungkot na nadarama ko ng makita kong masayang naglalaro si Daniel ng basketball. Parang nasa langit ako habang titig na titig sa kaniya. Nakakadagdag sa kagwapuhan niya ang galling niya sa basketball.

Biglang may lalaking umupo sa tabi ko. Nakajersey din siya at mukhang kateam mate din siya ni Daniel.

"Ikaw si Alisha diba?" tanong niya sakin.

"A-ako ngayon? Ba-bakit? Kilala mo ba ako? " nagtataka kong tanong.Parang ngayon ko lang kasi siya nakita kahit na kateam mate siya ni Daniel. Madalas kasi, na kay Daniel lang ang focus ko tuwing nanonood ako ng laban ng basketball team.

"Oo naman. Kilala kita." sagot niya. Tama ba talaga ang naririnig ko? Kilala daw ako ng gwapong nilalang na 'to?

"Ha? Paano nangyari yun?" nagtataka kong tanong sa kaniya habang iniiwasan kong ipahalata sa kaniya na para akong kinikilig habang kinakausap niya ako. Siguro kaya ganito ang nararamdaman ko dahil walang ibang lalaki na kumakausap sakin maliban kay Daniel.

"Hindi mo na ba ako naaalala?" tanong niya. Napakunot naman ako bigla ng noo at napaisip. Nagkita o nakasama ko nab a siya? Parang hindi pa ata.

Malalim akong nagisip at ilang Segundo lang ay parang namumukhaan ko na siya.

Saan nga ba'yon?

"I-ikaw yung lalaki sa mall nung birthday ko. Tama ba?" sabi kona may kasamang pag ngiti ng bongga. Matagal ko na din kasing ipapanalangin na makita ulit siya.

Nasa foodcourt ako ng mall noon habang katawagan si Daniel dahil gusto ko gumala kami sa mall dahil birthday ko naman ng araw na 'yon.

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!