Rockstar Ng Buhay Ko... ♡ (Chapter 1)

82 2 1
                                    

CHAPTER 1

"Ahhh..tanghali na!!!" gulat na sabi ni Jasmine nang makita ang oras sa relo. Late na naman siya sa trabaho. Agad siyang nagtungo sa banyo at naligo.

"Bakit ba kasi hindi tumunog yung alarm ko?! Bwisit naman oh.." agad na sambit nia sa pagkainis.

Agad naman siyang tumungo sa kusina para kumain at lalo pang nagpa-inis sa kanya ay nang mabungaran nya ang mesa na wala pang pagkain.

Late na late na siya, kumuha na lang siya ng tinapay sa ref at iyon ang kinain.

Akma na siyang aalis ng biglang bumungad sa kanyang mukha ang kanyang ina.

"Oh Jazz.. aalis ka na?" sabi ng bagong gising niyang ina.

"Opo Ma.. late na ho ako sa trabaho. Sige ho mauna na ako.." sabay halik sa pisngi ng ina.

"Sige ingat ka" at nagtungo na agad sa kusina.

Sumakay agad sa kotse nya si Jasmine at humarurot agad ng alis. Kung pwede nga lang ay paliparin na nya ang kanyang kotse para lang makarating sa kanyang trabaho ay nagawa na niya. Paniguradong masasabon na naman siya ng kanyang Boss.

Isa siyang waitress sa isang bar malapit sa batangas. Pang-gabi ang kanyang shift pero naatasan siya ng kanyang boss na gumising ng maaga para tumulong sa pag-aayos ng bar.May dagdag daw ito sa sweldo kaya naman agad niyang kinuha.

At isa pa sa mga dahilan kung bakit siya gumising ng maaga ay dahil isa siya sa mga napiling maging judge sa gaganaping battle of the band sa kanilang bar at kung sino man ang tatanghaling panalo ay doon na mismo magtatrabaho sa bar.

Hindi man gaanong mataas ang posisyon niya sa kanyang trabaho ay malaki naman ang tiwalang ibinibigay ng kanyang Boss.

Mas malimit siyang utusan nito ng mga gawain na para lang sa mga matataas ang posisyon gayong nandoon naman si Mark na Manager ng bar.

Kaya naman lubos-lubos ang kanyang pasasalamat dahil naging mabait ang may-ari ng bar na kanyang pinagtatrabahuan.

Pagkarating niya sa bar ay patakbo niyang tinungo ang locker nya para magpalit ng damit pangtrabaho.

Agad syang lumabas at tumulong sa iba pang mga kasamahan na nag-aayos na ng mga upuan at mesa matapos makapagpalit.

Nang may biglang lumapit sa kanyang likuran...

"Oy bruha!! Pasimple ka pang pagod na pagod sa paglilinis.. Eh gayong kadarating mo lang naman.." sabay tapik sa likod niya.

Pagkalingon niya ay nakita niya si Mariel ang bestfriend niyang may pagka-kengkoy.

"Shhh!!" sabay takip sa bibig ng kaibigan at nagpalinga-linga sa paligid kung may nakarinig tsaka binalingan ulit ang kaibigan.

"Ano ka ba Mars.. baka mamura na naman ako ni Boss. Secret lang natin to.. ngayon lang naman ako na-late eh.." na may halong pagmamakaawa sa mukha para lang hindi isumbong ng kaibigan.

"Hahaha.. nakakatawa ka talaga Jazz. Hindi naman kita isusumbong noh!! Bff kita eh.. tsaka ayaw kong may makasira sa maganda kong araw.." at sabay ngiti ng pagkalaki-laki.

"Bakit?? Anong meron?!" pabulong niyang sabi.

"Eh, kasi kasali sa mga maglalaban ngayong mga banda ang boyfriend ko!!" sabay lundag sa sobrang tuwa.

Agad siyang napaisip sa sinabi ng kaibigan, Boyfriend ba kamo? Parang wala ata siyang alam na may boyfriend na ito.

"Teka.. Teka.. tama ba yung narinig ko? Ang sabi mo ay boyfriend?" taas kilay niyang tanong.

Rockstar Ng Buhay Ko... ♡Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz