Ch. 10 - Pt. 2 - Disqualified

Magsimula sa umpisa
                                    

"Alam ko!" - Bianca sabay tingin sa'kin.

"Ito yung bagong labas! Kunin mo na *0*" - sabi pa n'ya.

Kumulo naman ang dugo ko, "Ano akala mo sa'kin? Hindi ko kayang bumili n'yan?" Tumayo ako at hinablot yung phone ko mula sa kanya, "Tara na, Bianca" sabi ko pa at saka naglakad papalabas.

"W-waipheu" - narinig kong tawag ni Gosu pero hindi ko pinansin at nagpatuloy sa paglabas.

"Ahm Gosu sensya ka na ha, may significance lang yung pho---"

"Bianca! Ano ba?! Iiwan kita d'yan!" - inis kong tawag kay Bianca.

Sumunod naman si Bianca sa'kin at tahimik kaming lumabas ng bahay. Tahimik rin kaming nakauwi sa bahay.

- - -

"Mission #4 na no?" - Bianca.

"Ano kayang mission for today?" - Kimberly.

"Magluluto ata!" - Prances sabay pakita sa'kin ang sandok.

"Pero hindi ba Mission #5 daw yun?" - Bianca.

"Bakit wala kang dala?" - tanong pa n'ya.

Nagroll eyes lang ako at saka pumunta sa room. Halos ang ingay naman ng classroom dahil sa mga tunog ng mga sari-saring mga gamit pang-kusina.

"Aish, kainis talaga yung Stephen!" - narinig kong sabi ni Layzzah.

"Bakit?" - tanong ko sa kanya (tutal malapit lang upuan ko sa kanya)

"Eh hanggang Mission 2 lang kami dahil n'ya!" - Layzzah.

"Kayo ba? Sinong magdadala ng kitchen utensils n'yo?" - tanong pa n'ya.

"Dunno" - Ako sabay halumbaba.

Pagkahalumbaba ko naman ay pumasok sa classroom si Gosu na ang daming dala. Sinundan ko lang s'ya ng tingin. Napansin n'ya yatang nakatingin ako sa kanya kaya tumingin na lang ulit ako kay Layzzah.

"Whao, ang sipag naman ni Gosu! Ikaw, walang dala?" - Layzzah.

Hindi na lang ako nagsalita hanggang sa pumasok na si Ma'am Chem for 7-8AM class. Nagdiscuss lang naman s'ya. At ayun, matapos ang 1 hour, tinawag na kami at sinabing pumunta na daw sa function hall para sa Mission. Inunahan ko na lang si Gosu sa pagbaba. Pagpunta ko naman dun ay may respective area na may mga numbers. Syempre hinanap ko ang area #10 kasi for sure dun kami.

"Lahat ba nandito na?"

Napatingin ako sa orasan na malaki na nandun. 8:15AM na. Tiningnan ko naman ang lahat at mukhang kumpleto na ang lahat. Nasaan na ba yun?!

"Kung ganoon, magsisimula na ang Mission #4"

Tinaas ko na yung kamay ko. Napatingin naman ang lahat sa'kin, "Uh, wala pa po yung.. ka-team ko" sabi ko sabay baba ng kamay. "Then your team is now disqualified" walang pag aalinlangang sabi nung nagsasalita sa unahan. "So! Shall we start the Mission?"

Nakita kong nakatingin sa'kin si Bianca at may pinahihiwatig. Lumabas ako ng Function hall. Paglabas ko, nakita ko si Gosu na ang daming dala, "Oh, nagsisimula na ba?" tanong pa n'ya.

Pinabitawan ko sa kanya yung mga dala n'ya. "Nah, disqualified na daw tayo" sabi ko sa kanya. Aangal pa sana s'ya pero hinila ko s'ya papuntang canteen. Iniwan lang namin yung apat na plastic na malalaki na may mga lamang kitchen utensils doon sa lugar na yun.

Umupo ako sa dalawahan lang sa may canteen. "Sorry nga pala kahapon" - sabi ko sa kanya.

Tahimik lang naman s'ya nung tiningnan ko s'ya. Nakarinig naman ako ng ubo mula sa kanya, "Ah yun? Ayos lang yun, ano ka ba.." sabi n'ya sabay tawa ng konti.

"A-Alam mo bang..." - natigilan ako. Whut?! Anong sasabihin mo Cha?! Nasa tama ka pa bang pag-iisip? Bakit mo sasabihin yun?! Nakakahingal!

"Ano yun?" - tanong n'ya.

"W-wala" - sabi ko na lang at saka tumingin dun sa may counter ng canteen.

"Ah, gutom ka na?" - narinig kong tanong n'ya.

"Ah" - sasabihin ko sanang hindi pa pero tumayo na s'ya.

"D'yan ka lang" - sabi n'ya at pumunta dun sa may counter.

"Alam mo bang ako si Ice Princess?" - pabulong kong sabi nung nasa malayo na s'ya.

"Ba't mo naman yun sasabihin, Cha?" - sabi ko pa at saka humalumbaba.

Pinagmamasdan ko lang yung paligid ng makita ko si JunSu(?) na nasa may pinto at nakatingin sa'kin. Ngumiti pa s'ya at saka kumaway sa'kin. Kumaway na lang din ako at hindi ko pinahalatang nilamig ako sa ginawa n'ya. Umalis din naman s'ya doon.

Ang weird ng taong yun, seriously? What's with him? =__=

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon