Kindly Return My Sullen Mind. Thanks! Trololol

52.4K 411 164
                                    

This is not an update.

This is more like an AUTHOR'S NOTE.

Though I really not consider myself as an author, chos.

Okayyy.

Forgive me for I have sinned.

Kasi, hindi pa rin ako nag-uupdate for 1 week.

At alam kong lalagpas pa siya ng 1 week.

Tina-try ko kasing tapusin ang story bago ako mag-update.

And I can't believe myself.

Kasi, wala akong maisip na update!

Actually, hindi sa wala akong mai-update.

Tapos na ang story sa utak ko at hindi ko lang alam kung paano siya ide-deliver. Alam kong hindi ako ganun kagaling mag-deliver pero syempre kahit papaano, hindi ko naman siya basta-basta dine-deliver lang. Iniisip ko rin. OO, sa lagay na yan iniisip ko naman yan kahit papaano. Wag nga kayo, may isip ako. Hahahaha!

AT dahil nga iniisip ko siya kahit papaano, may nagtangay ng SULLEN MIND ko since last week ng August at ngayong September na ay hindi pa rin niya ibinabalik.

Alam niyo yun? Ang hirap magsulat ng isang istorya kung taliwas sa nangyayari ang nararamdaman mo. Alam naman natin na nasa state ng kalungkutan ang MTJ ngayon at wala akong balak na i-ruin ang FLOW ng story dahil lang sa pipilitin kong mag-update. Ajujujuju. Hindi ko rin naman pwedeng bigla nalang gawing masaya at mag-PARTY PARTY sila dyan nang biglaan di'ba? That's effin weird.

Pero hindi ko naman sinasabi na masaya ako. These past few days, actually until now. E hindi ko kayang ilagay ang sarili ko sa shoes ni ACE, at magkunwari-kunwaring heartbroken.

FYI, I almost read 20 painful stories, watched 2 sad movies and 3 sad clips. PERO WA EPEK! Hindi ko talaga kayang malungkot. Well it's weird na naghahanap ang isang tao ng bagay na ikalulungkot niya pero ganun ang ginagawa ko ngayon. Actually, nanghihingi pa nga ako ng heartache nung nakaraan pero shet lang. Wala talagang epekto =_= Minsan tuloy napapaisip ako kung napatunayan ko na ba talaga sa sarili ko na manhid ako o wala ba talaga akong puso. Pero well, hindi naman puso ang nagmamahal. Hahaha!

AT ETO PALA!

Gusto ko lang linawin sa inyo kasi ang daming nagtatanong hanggang ngayon kung bakit ganun si Nathan. Ganito yan, simula palang ng MTJ, may isang lalaki na akong tinatanong tuwing gagawa ako ng POV ni Nathan. Well, isa siyang lalaki na sabihin na nating, PINAKAMATINO sa lahat ng lalaking nakilala ko na almost ka-age ko. Pero, he's one year older than me. Tinatanong ko siya sa isang situation specifically, situation ni Nathan at Ace. (Pero hindi niya alam na nagsusulat ako ng story ah. Tinatanong ko lang siya) At kung ano ang sagot niya, dun ko mostly binabase ang POV ni Nathan. Kasi hindi naman po ako lalaki para mag-isang gumawa ng POV ng isang lalaki which is most likely NAPAKAHIRAP na bagay. Kasi sa totoo lang, ang hirap basahin ng isip ng isang lalaki, seriously. LOL. At ngayong tinatanong ko siya sa situation ni Nathan at Ace ngayon, alam niyo ang sabi niya?

"Kung may babae man na makakaintindi sa sitwasyon na yan ng lalaki, (Referring to Nathan sa pagpili niya kay Angelique over Ace) panigurado ako mamahalin yung babaeng yun ng isang lalaki ng tunay at sobra. Kasi naiintindihan niya yung ganyang sitwasyon. Kadalasan kasi, hinahanap ng lalaki yung babaeng marunong umintindi kahit pa gaano na ka-komplikado yung sitwasyon. Yung tipong tinitignan niya yung both sides, hindi yung sa side lang ng babae or nung obvious na nasasaktan. At ang swerte nung lalaki kung may makilala man siyang babae na marunong umintindi."

Sabi niya yan. So *cheers*  for those girls na nakakaintindi ng sitwasyon ni Nathan. Mamahalin daw kayo ng lalaki ng tunay at sobra, at nanggaling na yan sa mismong lalaki a. PARTEYYYY! Tee-hee! :D

Well, ayun lang. Hahaha! Yung lalaking yun? Friend ko siya at meron  siyang mapait na nakaraan sa kanyang buhay pag-ibig. Ako na magsasabi, ANG TANGA NUNG BABAE. Hahaha!

Okayyyyyyyy.

So eto ako.

Wala pa rin ang sullen mind ko so forgive meeeeeeee.

Don't worry, before ng birthday ko, tapos na 'tong MTJ Season 1! PROMISE! Ang birthday ko ay sa.. *toooot* Batiin niyo ko a! Thank you :D Hahaha. Ilang araw nalang pwede na akong manligaw! Trololol

Sana lang hintayin niyo ang pagbabalik ng utak ko. Siguro mga ilang days nalang babalik na rin 'to. Pa-goodbye na nga MTJ sa What's Hot e. Nasa page 3 na siya. Hahaha. Pero wala naman sakin yun. Ang gusto ko lang mabalik na ang sullen mind ko.

At sana, maintindihan niyo ako. Hahahaha!

THANK YOU SA INYO!

I LOVE YOU ALL :D

- Andy

My sullen mind is kinda lost. If ever you see her loitering, tell her to proceed to my drunk mind and soul. Thanks. LOL

And also, I promise to be more suplada and.. Haha! Joke :D I promise to interact with all of you on the next season of MTJ. Busy lang kasi talaga ako. Ajujujuju. Pero mag-oonline na ako sa next season ng MTJ. Sa pagkakatanda ko kasi ay wala pa sa limang beses ang pag-oonline ko. Hahaha. Pero sa next season talaga. Kaya sana maging close akong lahat sa inyo. Babawasan ko na rin ang rants ko! Hahaha. Thank you :D

*Do you mind leaving a comment? Para malaman ko kung may naghihintay. Nakaka-motivate yun ng utak, PROMISE :) Hahahaha!

Meet the J.E.R.K. (TO BE PUBLISHED WITH REVISED ENDING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon