I. The Nemophilist

1.9K 92 44

No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system without the author's consent, except where permitted by law.

This is a work of fiction. Names, places, characters, businesses, incidents and events are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

 Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I had to post the first chapter. Natatakot lang ako na baka mamaya may kapareho ako ng idea tapos isusumbat sa 'kin na nanggaya ako or such. Ipopost ko na kaagad if ever. HAHAHA. Hindi pa ito masusundan. Tatapusin ko muna ang mga ongoing ko. Patikim pa lang ito. Hahahaha.

 Hahahaha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I. The Nemophilist

"One, two, three, four, five, six..." Ngumisi ako habang nakaubob sa puno. Naglalaro kasi kami ng tagu-taguan ng kaibigan kong wolf! Ako ang taya kaya ako ang hahanap sa kanya. "Seven, eight, nine, ten!"

Lumingon ako sa paligid. Ngumuso ako. Saan ko naman siya hahanapin? Sobrang lawak nitong kagubatan, eh. Ang daya naman kasi niya. Kapag siya ang taya ang bilis niya lang akong nahahanap kasi matalas ang pang-amoy niya samantalang ako, hindi ko siya mahanap kaagad.

"Xen!" sigaw ko. "'Wag kang magtatago sa malayo, ah!"

Muli akong lumingon sa paligid. Kaibigan ko na si Xen simula noong anim na taong gulang pa lang ako. Sampung taong gulang na ako ngayon. Matalinong aso si Xen. Noong tinanong ko siya kung ano'ng pangalan niya, sinulat niya ang mga letrang X, E at N sa lupa gamit ang paw niya. Sobrang laki niya kumpara sa normal na aso pero gustong-gusto ko siya! Walang may alam na nakatira siya dito sa gubat dahil ayaw kong ipaalam sa kanila. Baka kuhanin nila si Xen.

Paano kami naging magkaibigan ni Xen? Naalala ko, noong anim na taon pa lang ako, naligaw ako dito sa kagubatan. Ang pagkakatanda ko, muntik na akong mahulog sa isang malalim na hukay pero iniligtas niya ako. Sa sunod na taon, muli niya akong iniligtas mula naman sa baboy damo. At sa mga sumunod na taon, palagi niya akong inililigtas.

Palagi akong napapadpad sa kagubatan dahil payapa ang aking pakiramdam kapag nasa loob ako nito. Pakiramdam ko may malaki akong koneksyon sa gubat na ito. Pinatingnan pa nga ako nina Mommy at Daddy sa psychologist. Ang sabi nila, nemophilist daw akoㅡa person who loves forest.

The NemophilistBasahin ang storyang ito ng LIBRE!