Chapter 44 (September 06, 2011)

967K 10.1K 916
                                    

DATE POSTED: September 06, 2011


Chapter 44

Nagulat si Harley nang marinig ang boses ni Kent.

"I'M ASKING YOU!! WHO ARE YOU?!!?! " sigaw na naman nito mula sa kabilang linya.

Shit! Bakit nakay Kent ang cellphone ni Isabelle?!

Nag-end call na siya.

"Bakit?" tanong ni Philip. Kasama niya ito.

Nagkita kasi sila ni Philip dahil marami na itong nakuhang litrato ni Elisa. At gusto nilang ipakita ito kay Phoebe.

"Si Kent ang sumagot."

"Huh? Ang aga-aga pa ah. Magkasama na agad sila." Hindi pa din kasi alam ni Philip na mag-asawa sila Kent at Phoebe at nakatira ang mga ito sa iisang bubong.

"Di ko nga alam eh..." Nagmaang-maangan na lang si Harley. "Sana naman hindi nakasama yun tawag ko."

"Psss. Bakit ba kasi si Kent Fuentabella ang sumagot." Iritableng tanong ni Philip.

" I don't know. So... ano nang gagawin natin sa mga pictures?" pagiiba ng usapan ni Harley.

"As I was saying... kailangang makita ito ni Phoebe.  Dahil ang ilan sa mga nakuha kong picture  ay magbubulgar sa kasamaan ni Elisa."

Tinignan pa ulit ni Harley ang mga pictures. Ang mga ilan sa kuha dito ay nasa isang coffee shop. Kasama ni Elisa ang may-ari ng The Envoy. Ang iba ay nasa harapan ng main office nito. At ang iba ay mga kuha sa loob ng pub at disco bar.

"Paano mo nakuha ang mga ito?" tanong niya ulit kay Philip

"I tailed her. Tska alam ko na naman yung mga pinupuntahan niyang iba eh. Sinabi niya na rin naman sa akin na may gusto sa kanya yung CEO ng broadsheet na yun."

"Kailangan na ba talaga itong makita ni Isa.. ni Phoebe?"

"Linggo na kasi ngayon. Para makita niya na agad itong mga ebidensya na may koneksyon talaga si Elisa tska yung broadsheet na nagpakalat ng mga pictures." Mariing sabi ni Philip.

"You do realize what we are doing Philip. Isa ka sa damay sa ginagawa natin dahil ikaw talaga ang kumuha ng pictures."

"I know... Alam ko may kasalanan ako. Pero kaya nga ako umaasa na kakausapin na ni Phoebe si Elisa at marecord natin ang pag-amin niya ng kasalanan."

"Okay... Sana macontact natin siya mamaya..."

At sana wala namang mangyaring masama kay Isabelle. Tsk! Bakit kasi nakay Kent ang cellphone.

***

"DAMN IT! SINO BA YUN?!?!" Galit na galit si Kent. Huling huli niya. Lalaki ang nagmamayari ng contact number ni KATE.

Hindi niya alam ang gagawin. Naasar siya at naiinis.

Kausap siya ni Phoebe kahapon. Tapos, ang sabi ni Phoebe pinsan niya! What the hell! Kate? Tapos Lalaki?

Ibabato niya n asana ang cellphone ni Phoebe dahil sa sobrang inis niya.

Nang magring ulit ito. Tinignan niya.

|Calling... Papa|

Napaisip siya.

Damn it! Baka hindi si papa ito ah! Baka iniba na naman ni Phoebe kunwari tatay niya.

Nagiging sceptic na si Kent.

Sinagot niya ang tawag. Pero hindi siya nag-hello. Hinintay niya lang itong magsalita

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon