Chapter 44: He is sick

527K 16.4K 4K
                                    


Beatrix's point of view

Sa totoo lang, hindi talaga ako mapakali. Kanina pa ako nag aalala kay Caleb. I shouldn't damn feel this way. Dapat wala na akong pakialam sakanya, dapat hindi ko na siya naiisip pa pero ang hirap, eh. Basang basa siya sa ulan tapos bigla na lang siyang nawala. What the heck.

Do I still care for him? Do I still have feelings for him?

Hindi. Hindi pwede. Hindi dapat.

Natulog ulit ako pero hindi pa nagtatagal na nakapikit 'yong mata ko, bigla na lang nag ring 'yonh phone ko. Unknown number pero sinagot ko pa din.

"Who's this?"

"Si Skie 'to," Napahinto ako. Gustong gusto ko ng ibaba 'yong phone ko pero alam kong may sasabihin pa siyang importante. "Nandito ako ngayon sa unit ni Caleb. Kailangan ka niya kaya please pumunta ka dito." Gusto kong matawa. Ganon ganon na lang kung utusan niya ako. Sino ba siya sa akala niya?

"I'm not his girlfriend anymore so please don't ask me to go there."

"He's dying here! Ang taas ng lagnat niya pero ayaw niyang magpadala sa hospital! Puro ikaw 'yong binabanggit niya! Alam kong galit ka sakanya at galit ka sa amin pero kahit ngayon lang, pag bigyan mo 'yong best friend ko. Mahal na mahal ka niya! Tinalikuran niya kaming lahat para sayo! Kaya sana, kahit konti  lang, mag alala ka naman sakanya." Napaupo na lang ako sa kinakatayuan ko. Skie's voice is so intense. Ramdam mo 'yong emosyon niya. I'm honestly out of words to say. "Please, I'm begging you.. this is not for me. This is for Caleb. He needs you."

Bigla na lang tumulo 'yong luha sa mata ko. Now, I really can't deny the fact that I still care for Caleb. Kahit ngayon lang, kakalimutan ko muna 'yong galit ko. Kakalimutan ko muna 'yong paghihiganti ko. "I'll be there, wait for me."

Nagpaalam agad ako kala Mommy at Daddy. Ayaw pa nila akong payagan umalis pero sinabi ko sakanila 'yong totoo. Pinag drive na lang ako ni Daddy papunta sa unit ni Caleb. Hinayaan ko ni Dad pumunta don mag isa. Babalik na lang daw siya kapag uuwi na ako.

Nagmadali akong pumunta sa unit ni Caleb. Pinagbuksan ako ng pinto ni Skie. Nagulat pa nga siya ng makita niya ako. Akala ko tuloy, multo ako. "Uhm.. thank you for coming."

"Don't thank me. Ngayon lang naman 'to eh, after this babalik na din ulit ang lahat sa dati."

Huminga siya ng malalim. Disappointed siya sa sinabi ko pero wala akong pakialam. Akala ba niya, ganon ganon na lang ang lahat?

"Nandon siya sa kwarto niya."

Pagpasok ko sa kwarto ni Caleb, nakahiga siya sa kama niya at halatang lamig na lamig siya. Dalawang patong na ng kumot 'yong gamit niya pero namimilipit pa din siya sa lamig. Palagi niya pang binabanggit 'yong pangalan ko. Hindi ko tuloy maiwasan na maawa sakanya.

"Nag painit ka ba ng tubig?" Tanong ko kay Skie pero sa reaksyon niya mukhang hindi. "Hinaan mo 'yong AC. Mag papainit ako ng tubig."

Pumunta ako sa kusina at nag painit ako ng tubig para ipang punas mamaya kay Caleb. Binuksan ko 'yong refrigerator pero walang laman. Bumalik ako sa kwarto para kausapin si Skie. "Pupunta lang ako sa grocery sa baba, bibili akong pagkain tska gamot. Bantayan mo na lang din 'yong pinapainit ko na tubig. Sandali lang ako." Tumango lang siya tska ako umalis.

Nagmadali akong bumili ng kailangan ko para mamaya. Mag luluto ako ng soup para kay Caleb tska para makainom siya ng gamot niya. I know this could ruin my plan. Kaso ang nasa isip ko lang ngayon at maging okay si Caleb. In the first place dahil din naman sakin kaya siya nabasa ng ulan at kung bakit siya inaapoy ng lagnat ngayon.

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon