Last chapter: JS prom

590 13 7


Date finished: 02/13/16


Nathaniel Herrera


13th of February, JS prom. Dapat ginawa na lang 14 para special itong gabi, di'ba? 


"Ang tagal naman ni Joshua?" tanong Steven. 


Naiinip na kaming lahat, si Josh nalang kasi ang wala. Napag-usapan kasi naming magkita kita sa bahay ni Caile para sabay sabay na rin kaming pupunta sa hotel kung saan gaganapin ang prom.


"10 minutes na lang." si Caile na chineck ang wristwatch niya. "Kapag wala pa siya in 10 minutes mauuna na tayo and I'll make sure na maglalakad siya papunta sa event's place." that's Caile, ayaw niyang pinaghihintay. Don't be like him.


Charot.


Tumabi sa'kin si Millie, kinurot niya ang suit ko sa bandang balikat saka bahagyang inangat.


Tinampal ko ang kamay niya. "Wag mong pakialaman!"


"Nakakaamaze lang, prend, umaangat 'yang suot mo eh. Red ba naman. May balak kang talbugan ang mga babae sa prom, no?"


"O baka balak mong sapawan si Ishii, prend." si Nikko habang nakatingin sa phone niya. "Pero, prend, mukhang hindi mo magagawa 'yan. Stunningly beautiful ang peg ni ate gurl version mo eh. May update siya sa IG niya."


"Pinafollow mo siya?" tanong ko habang patayo, wala akong IG kaya hindi ko alam 'yon. Makikisilip sana ako sa phone niya pero itinulak ako ni Millie at Steven at sila lang ang sumilip sa phone ni Nikko. Ayaw pakita sa'kin.


Mamaya na nga lang.


Pero... "Prend, anong kulay ng gown niya?" tanong ko kay Nikko. Tinignan niya naman uli ang phone niya.


"White iyong taas tapos blending ng white and red sa tummy part tapos red na sa baba." napatigil siya saka tumingin sa'kin. "Wait, red din. Pinag-usapan niyo, ano?"


Lumapit si Millie at dinuro ako. "Nag-usap kayo, ano? Pinag-usapan niyo kung sinong mas aangat sa inyong dalawa in red suit and gown. Sorry ka, prend, mukhang talo ka."


Gusto ko makita ang sinasabi nila pero ayaw naman nilang ipakita. Nagtingin ako sa fb ko, baka may post din si Ishii sa fb pero wala. Bukas na bukas din gagawa ako ng IG na 'yan.


*knock knock


Sabay sabay kaming napalingon sa pinto, bumukas iyon at sumilip si Joshua. Automatic ang pagbato namin ng unan sa kanya.

***

7:05 pm nang makapasok kami sa hotel. 7 pm ang start ng program proper. Hindi pa naman nagsisimula kahit 7 pm na, talking about Filipino time.

He's Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon