Ch. 33: Christmas Party

208 10 0


Nathaniel Herrera


Weeks later.


"Mga prend, kailan tayo maggigift shop?" tanong ni Josh na nagbigay interes sa boring naming araw. Wala na kasi halos naglecture na teacher dahil dalawang araw nalang Christmas party na.


"Mamaya na agad, after class. Gorabells?"


"Ay taray ni Nikko, ready in cash." ani Millie na bigla akong tinapik sa braso "Nathe."


Sandali akong napatigil mula sa pagkopya sa notes na hiniram ko kay Caile.


"Oh?"


"Sama ka nga mamaya? Game kaming lahat."


Saka lang ako tumigil sa pagsusulat para harapin sila. "Uwian? Gow."


Yinuko ko uli ang notes at sila sila na ang nag-usap. Pero maya-maya pa ay siniko naman ako ni Caile, nang lingunin ko siya ay tinuro niya ang pinto dahilan para mapalingon ako roon. Si Ishii ang sumalubong sa paningin ko. Tumayo ako saka nilabas siya.


"Bakit?" tanong ko.


"Can't reach your phone, may itatanong lang sana ako." pasimple siyang sumilip sa kaliwa't kanan at pati na rin sa likod ko. Nasa may pinto lang kami ng classroom at hindi kami gano'n kalapit sa isa't isa para hindi kami halata, wala lang, para mukha lang kaming casual na nag-uusap.


"Lowbatt, eh." paliwanag ko. "Ano 'yon?"


"Pwede mo akong samahan mamaya after class? Kailangan ko kasing i-meet iyong seller ng necklace na binili ko online. Malapit lang kasi kaya hindi ko na pina-courier. "


Napasandal ako sa may hamba ng pinto. Madalas ko siyang samahan sa mga lakad niya after class, minsan kapag nasasabay na may gala kaming magkakaibigan ay gumagawa na lang ako ng palusot para hindi muna sumama sa kanila. Pero kasi mamaya...


"Pass muna ako? Ano kasi, nauna nang mag-aya sina Caile. Kung kasama lang sana si Ria baka pwede ka ring sumama pero kami kami lang kasi eh."


Sumimangot siya kaya nag-isip pa ako ng maidudugtong, pero ang loka bigla ring ngumiti na parang pinakaba lang ako sa pagsimangot niya.


"No worries. Saan ba kayo pupunta?"


Nakahinga ako ng maluwag. Hindi naman selfish 'tong si Ishii, well maliban kay Rainbow noon but it's over kaya walang problema. 


"Mall." sagot ko sa tanong niya.


"Oh, I see. Sige, since wala na akong itatanong and in a way nagkapagpaalam na rin ako sa'yo, balik na 'ko sa room ko ha?"

He's Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon