TAL. 09 -- Untitled

(Walang maisip na sabihin eh. XD hehehe!) 


Daryl's PoV

Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni Cassandra. May ilang sandali ng dumaraan ang katahimikan sa pagitan namin.

Hanggang sa wakas, nagsalita na din ako. "Do you really think you have to do that?" tanong ko sa kanya, bakas ang disappointment sa tono ko. Kulang na lang mapa-tsk pa ako sa sobrang pagkadismaya sa kanya.

"Of course. That's the right thing to do." sagot nya na may diin pa sa huling salita.

"But that's too much, Cass." napapailing pa na sabi ko. Nasa bahay na kami ngayon, bahay ko to be exact dahil nga nasa bahay na nya nakatira ngayon si Chanel.

"Too much?!" mataas na kagad ang tono na sabi nya. "Serves him right for doing those bullsh-t to me and to Chanel! You know that, Daryl!"

Kasalukuyan naming pinag uusapan ang nangyari kanina sa AGC. Proud pa sya na sabihin sa akin na napakulong na nya si Neliza, mapapatalsik na din si Jewel sa kompanya, at ang worst, tinuring nyang persona non grata sa sarili nitong kompanya ang ama nya.

"Listen, Cass." awat ko sa pagtutungayaw nya. Bakas na bakas ang inis sa boses nya ngayon. "He is still you father."

"Yeah, right." bakas ng sarkasmo ang sinabi nya. "Father who really don't know the real meaning of it. Hindi sya marunong magpaka-ama!" tumalikod sya sa akin at pumunta sa kusina. Sinundan ko naman sya at naabutan na kumukuha ng tubig sa fridge.

"Sobra naman ang ginawa mo. Why don't you try to listen to him? Baka mas may maganda syang paliwanag sa lahat. From all the issues in the past. Give your old man a chance." sabi ko at sumandal ako sa kitchen counter.

 Uminom muna sya ng tubig bago sumagot sa akin. "No, thanks. I've already had enough of him." matigas pa rin na sabi nya.

Napatitig ako sa kanya. Ganyan ba talaga sya katigas?

"Do it. Talk to him." sabi ko sa mahinang boses. "For me." at mas mahina ang pagkakasabi ko sa huling salita.

This time, sya naman ang napatitig sa akin. Tila hindi sya makapaniwala sa narinig nya. "Ask anything, but not that one." ibinaba nya ang baso at sumagot sa akin ng deretsong nakatingin sa mga mata ko.

Matapos sabihin 'yon ay muli na naman syang lumabas ng kusina. Hindi ko na sya sinundan pa at napahinga na lang ng malalim.

Naiintindihan ko naman ang tindi ng galit nya sa ama nya, kaso napa-sobra naman yata sya. Kahit pagbaliktarin pa ang mundo, tatay nya pa rin 'yon. Isa sa mga dahilan kung paano sya napunta dito sa mundo. Dugo pa rin ni Mr. Aragon ang nananalaytay sa ugat nya.

Hindi ako titigil hanggang hindi nare-realize ni Cassandra ang bagay na 'yan. I am her husband hindi para ako lang ang mahalin nya, I am her husband para malaman nya na maraming magagandang bagay ang maari pang mangyari kaysa sa magalit sya.

**

Cassandra's PoV


Ilang araw na kaming halos hindi nagkikibuan ni Daryl. Magkatabi man kami sa kama, pero hindi naman kami nag uusap. Mag-usap man kami, single liner lang naman. Oo, hindi, ewan ko, ang madalas kong sabihin sa kanya. At sya naman, kakausapin lang din ako kapag kinakailangan. Simula ng gabi na pilitin nya akong kausapin ko si Leandro, naging ganito na kami. Hindi ko din naman sinubok na kausapin sya, nakakainis kasi! Akala ko naman naiintindihan na nya ang pinagmulan ng galit ko sa walang kwentang si Leandro, then now sasabihin nyang what I did is too much? Napaka imposible din nun.

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!