Six

296 5 0
                                    

6

Mint...

Mint...

Bigla akong nagmulat, Nakatulog na pala ako.

Tungunu! Tulo laway pa!

Pinahiran ko yung gilid ng labi ko.

"hala? Sa'n na yun?" Naibulong ko sa sarili, wala na kasi si Claizen sa kinauupuan niya kanina pero hindi naman naka off yun. Which is not a streetwise, nagsasayang siya ng kuryente.

Paglingon ko, saka ko siya nakita, andun lang pala siya sa gilid ko, nakasubsob at mahimbing na natutulog.

Inabot ko yung mga pinapagawa niya sa akin.

( O ___ O) Ano 'to? Ba't tapos na?

( >_<) SI CLAIZEN!!!

Tinapos niya na pala yung mga pinapagawa niya sa akin.

"Tsk! Nakakahiya tuloy!"

Teka anong oras na ba? At di man lang niya ako ginising? 

 ( O  U  O) 1:52 am!!!

Holo! PATAY!

Dali-dali akong kumilos.Aalis na sana ako pero naalala kong magpaalam kay Claizen. Lumapit ako sa kaniya at akmang gigisingin pero natulala lang ako.

May sumiksik kasi sa utak ko na ala-ala eh. 

Dahan-dahan akong tumingala, I saw his face and his staring at me...

He looked at my lips...

He gulped.

The next thing happened is, his slowly closing the space between our face.

Finally, I close my eyes...

AHHHHH!Toink! Binatukan ko yung sarili ko. Aw syet! Leyntek na panaginip oh! Bakit yun?

Susme naman! Lumalabas tuloy na pinagnanasaan ko ang Claizen na to!

Pinagnanasaan ko ba siya?

HINDI!

"Ehh!" Napadabog ako wala sa oras. Kung bakit naman kasi! Kumuha nalang ako ng papel at nagsulat ng note doon : Uwi na ako, dahil siguradong palalayasin ako kung di pa ako uuwi.

Ang awkward naman kasi ng makipag usap sa taong pinaginipan mong hinalikan ka...

Pagkatapos kong magsulat ay bumaba na ako, doon ulit ako dumaan sa internet cafe nila. 24 hours nga pala kasi yun.

"Gising ka na pala... Uuwi ka na?" Tanong ni Borj nung makita ako.

"Oo eh--- Ha? Teka paano mo nalamang nakatulog ako?"

"He-he" ( ^____^) (* _ * )

Tinitigan ko siya ... hanggang sa mapansin ko yung hawak niyang papel. Mabilis na inagaw ko yun.

Hindi pala siya basta papel lang, photo paper pala at akalain niyong ako at si Claizen ang andun. Kinunan pala kami habang natutulog.

"Sa'n mo to kinuha? Sinong kumuha ng litratong to?"

"Kay Ma'am, tuwang-tuwa ning makita kayong ganyan kaya kinunan kayo, souveneir raw. Heto nga at binigyan din ako---Hoy! akin yan!"

Bigla ko kasing nilagay sa bag ko ang photo paper, "Akin nalang 'to..."

"Akin nga yan..."

"Di nga? Bakit ikaw ba ang nasa picture? Hindi naman, so hindi sa'yo. Akin na 'to. Kung gusto mo humingi ka nalang uli ng copy..." :P

*****

Maaga akong pumasok kinabukasan. Ewan, trip ko lang pumasok ng maaga, usually kasi parati akong late.

"Himala... ikaw ang pinakaunang dumating, anong nakain mo?"

"Galunggong..." paboritong ulam yun ni Mama kaya parati yung yung ulam namin. Nakakasawa na nga.

"Dapat pala, araw-arawin mo na ang pagkain ng galunggong..." natatawang sabi ni Claizen.

"Kung alam mo lang, sawang-sawa na nga ako sa isdang 'yun baka pati utak ko eh, galunggong na ang laman."

"He-he loko ka talaga... nga pala ba't di mo ako ginising kagabi? Di tuloy kita nahatid."

"Ah, eh... Ang sarap kasi ng tulog mo kaya di na kita ginising, tulo laway ka pa nga eh"

LOL Ako nga yung tulo laway, asa naman kasi na sasabihin kong napanaginipan ko siya na hina-... Na Ki-... asdkhaks!

Basta yun. Ang awkward eh.

"Tsk, kahit na. Pa'no kung may nangyari sa'yo? Karg di konsensya ko pa."

"Ayun, yun naman pala. Wag ka na mag-alala, ayos lang ako, oh! Kita mo nga't nasa harap mo ako ngayon at kinakausap mo."

Hindi na sumagot pa si Claizen. Mataman lang na nakatitig siya sa akin. Namagitan sa amin ang mahabang katahimikan, eh kami palang kasi ang tao sa classroom namin.

Basta nagtitigan lang kami, pero maya-maya ay lumapit si Claizen ilang dangkal nalang ang layo niya sa akin at akmang hahawakan ang pisngi ko...

"Claizen! Buti maaga kang pumasok! May balita ako 'tol."

Dahan-dahang binaba ni Claizen yung kamay niya. at nilingon ang bagong dating na si Jed.

( -_-)  (^___^ )

"Ehem." Pasimple naman akong lumayo sa kanila.

"Uyy! Andito ka na rin pala Mint!" 

Nginitian ko lang siya bilang sagot...

"Anong balita mo?" Walang ganang tanong ni Claizen.

"Ahh, may kompetisyon kasi doon sa GMall, String Competition, baka gusto mong sumali, magaling ka naman, gwapo at talented tiyak mananalo ka dun."

"Ayoko." (-__-)

"Bakit?" ('__')? Nagtatakang tanong ni Jed.

Oo nga bakit? 

"Dahil ayoko."

Nye? anong klaseng sagot yun?

"Naman Zen! Sayang yun, malay mo, dun na ang break mo... Subukan mo lang naman."

"Ba! Kung magsalita 'to, 'kala mo madali ang humarap, kumanta at tumugtog sa harap ng maraming tao? Ang hirap kaya nun."

"Ehhh... Sige na, subukan mo lang naman. Tsaka, andun naman kami nina Mint. Susupurtahan ka namin. Di ba Mint?" ( ^ ______^)

"Ha? Eh..." ( > ___< ) O-Oo ba ako? Ano? Ano?

"Di ba MINT?" (*___*)

"O-Oo... Oo" Napilitan kong sagot. Bakit kailangan pati ako? 

"O, narinig mo yun Claizen? Sige na. May supporter ka na."

"Oo na, Sige na, kailan ba?"

"Sa sabado. (^__^) Sa Gmall. Magpraktis ka na ha? Mint kita tayo dun before 2 pm."

"O-Ok" 

Anong gagawin ko dun?

****

Nabasa niyo na yung Librong: Bakit Di Ka Crush ng Crush Mo? 

TT___TT Ako hindi pa,sa totoo lang gusto kong bumili nong unang kita ko palang non dun sa NBS kaso di ko nagawa kasi nga sa kaka-next time habit ko, kaya heto gustong-gusto ko ng mabili at mabasa yuuuun! Tapos dumagdag pa yung sa SINE kaya heto Ipun-ipon to da maks!

Teen's Crush storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon