Chapter 30: Live, Laugh, Love

Kisha’s POV

*All I knew this morning when I woke~

 Is I know something now, know something now, I didn’t before~*

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan ang caller. Nakita kong nakaflash sa screen ang pangalan ni Van kaya agad ko itong sinagot...

“Bakit?”

[Wala, namiss lang kita]

“Tss. Miss ka dyan. Anong oras ka ba uuwi?”

[Ganito na lang, punta ka sa mall, antayin mo ako doon, date tayo]

“Talaga?!” hindi ko maiwasang hindi maexcite. Date daw! Sana hindi na masira ang date namin. Hindi naman sa sinasabi kong nasira ‘yung noon dahil kay Cross pero mas gusto ko ng kaming dalawa syempre. Speaking of Cross, matagal-tagal ko na din siyang hindi nakikita. Ano na kayang nangyari dun? Hindi na rin nga kami nakakapasok sa school! Paano naman ako makakapasok kung napakadami pang nangyayari? Tsaka ayaw akong papasukin ni Van, ang sabi niya wala daw magbabantay sakin sa school at delikado daw ‘yun...

[Yep. Wait for me, okay?]

“Sige. Umm...ano na nga palang ginagawa niyo dyan?”

[Ahh. Andito kasi ‘yung mga representative ng mga vampire clans para makapagmeeting]

Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Vampire Clans daw? Representative? “Waaaaaaah! Gusto ko silang makilala! Gusto kong makita ang mga powers nila! Omoooo!!!” Hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa excitement…

[I knew it. Sige na, dadalhin ko sila dyan sa mansyon kapag natapos na ang dapat naming gawin]

“Yey! I love you!”

[I love you too] napangiti na lang ako. Ang husky ng boses niya, sarap niyang hilahin palabas ng kabilang linya at halikan! Ay ano ba yan! Nahahawa na yata ako sa kamanyakan ni Van!

Binaba ko na ang telepono at lumakad na papunta sa kwarto para makapag-ayos pero napadaan ako sa kwarto ni Farrah kasi narinig kong may nagsisigawan...

“Uwaaaaaaaaaaah! Farrah! Masakit!”

“Lumayas ka nga dito! Palagi mo na lang akong kinukulit! Bwiset ka!”

“’Yun na nga lang ang paraan ko para mapansin mo ako eh! Hindi pa ba sapat ‘yun?!”

My mouth formed into an ‘O’. OMG! Si Farrah at si Jick?! Waaaaaaah! Kinikilig ako! Don’t tell me may gusto si Jick kay Farrah? Kaya pala nung malungkot si Farrah at umiiyak sa pagkamatay ni Kiel laging si Jick ang kasama niya, laging si Jick ang nagpipilit sa kanya lalo na sa pagkain. Kahit na gusto ko pang makinig ay hindi pwede, masama ang makinig sa may usapan ng usapan. Haha!

Pagkadating ko sa kwarto ay agad akong naligo at nagbihis. Pero feeling ko mas excited pa akong makilala ang mga representative ng Vampire Clans kesa sa date namin ni Van eh. Hahaha! Gusto ko kasing makita ang mga kapangyarihan nila eh. Hmm...ano kayang mga istura nila? Siguro magaganda at gwapo sila. Ang mga panget na bampira lang na nakita ko ay mga Insanes pero yung mga matataas na rank na, puro magaganda at gwapo na...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!