Tree Letters [One Shot]

112 0 0
                                                  

Hello! Ngayon palang ay gusto ko mag thank you dahil

 Binabasa mo ang una kong short story heheh!

Sorry kung ganito ako gumawa T^T

I hope you’ll be enjoying reading this short story

Enjoy! J <3

~@freakinggreengirl

**

Hays, bakit kaya hanggang ngayon hindi ko pa din makita yung boy na hinihintay ko? Andito ako sa puno na kung saan kami nagkita ng first love ko nung mga bata pa kami, mga 5 y/o ako nun. Hindi naman kami ganun mag kakilala pero sya ang unang lalaking lumapit sa akin habang nag babasa ako at niyaya ako na makipaglaro sa kanya kahit hindi kami magkakilala. Masaya ako nung mga panahon na yun pero ang pagkakamali ko nun hindi ko na tanong ang pangalan..

Lagi ako bumabalik dito sa punong ito simulang nakilala ko yung first love ko hanggang ngayon baka kasi sakaling makita ko pa sya muli pero hanggang ngayon hindi ko pa din sya nakikita. Baka nakalimutan nya na ako? Syempre bata pa kami nun eh..

“Quincy Flaire Feria! Paging! Hello! Kanina pa po kita tinatawag!” muling bumalik ako sa katinuan ng marinig ko ang tawag sa akin ng pinakamamahal kong best friend.

“Kailangan bang buong pangalan?” sabay tayo at para puntahan sya kung saan sya naghihintay sa akin.

“Paano kasi? Kanina pa kita tinatawag dyan, hidni mo man lang naririnig kaya sinabi ko na din ang buong mong pangalan.”

“Oo na. Halika na baka malate pa tayo sa next na klase natin.” Malapit lang naman ang puno na ito sa school namin at tuwing may vacant ako dito ako pumupunta pwede naman lumabas ehh pero dapat hindi ka malelate.

**

Cafeteria

Kumakain na kami ni Lei hanggang may narinig kami nag si tilian na babae..

Kyaaaah! Ang gwapo talaga ni Ice Lae Young!

ILY!

ICE! BE MINE!

Si Ice nanaman pala ang pinag guguluhan, crush ko sya dahil napakaperfect nya halos lahat kasi ng katangian asa kanya na. Enumerate ko?

-          GWAPO

-          MATALINO

-          GENTLEMAN

-          RESPONSIBLE

-          PERFECT!

Wala na ako maisip basta yan ang alam ko tungkol sa kanya! Tamang tama sa kanya ang pangalang MR. PERFECT GUY! Pero syempre hanggang crush lang ako sa kanya dahil hinihintay ko pa din ang FIRST LOVE ko.. *sigh* kamusta na kaya sya? Magpapakita pa rin ba sya? Sana naman magkita ule ang landas namin.

“Quincy, may gagawin ka ba bukas?” tanong ni Lei, babae po sya ha. Baka pagkamalan nyo lalaki. Buo nyang pangalan ay Leila Cay  Santos.

“Wala naman, magbabasa lang ng libro. Bakit?”

“Labas naman tayo! Sige na!” mahilig nga pala sya gumala pero ako hindi. malayo ang ugali naming sa isa’t isa anti-social ako samantalang sya madaming kakilala..

Tree Letters [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon