Part 44

190K 3.6K 142
                                    

Sirena ng ambulansiya dala ang isang pasyenteng naatake ang umalingawngaw sa buong lugar ang paalis. Medyo kumalma na rin ang mga tao. Lalo na si Yolly na muntik-muntikan nang naunang mamatay kanina keysa sa lalaki dahil sa matinding nerbyos niya.

"Phew!" Punas siya sa kanyang noo na may butlig-butlig ng pawis. Nahintakutan talaga siya. Akala niya kung ano na kasi ang mangyayari sa lalaki. Kung makatawag nga siya ng saklolo kanina ay wagas na wagas. Ang lakas talaga ng boses niya.

Mabuti na lang at may dumaan na magaling na babaeng nag-first-aid sa lalaki, na isa pa lang estudyanteng nurse, kaya naagapan ang lalaki.

Nakalayo na ang ambulansya. Abut-abot pa rin ang dasal niya para sa lalaki. Sana maligtas ito nang tuluyan kasi ang sabi inatake raw sa puso ang lalaki.

Sa nerbiyos ay umupo muna siya saglit sa gilid ng kalsada.

"Okay na, iha. Huwag ka nang mag-alala masyado," sabi ng isang ginang sa kanya.

"Buti na lang nakita mo siya at humingi ka ng saklolo," sabi naman ng isang nakahubad na mama.

Ngumiti siya ng tipid sa mga ito. At kahit paano nakahinga na siya ng maluwang. Okay na raw, eh.

"Yolly?" Mayamaya pa'y dumating si Cristine. "Anong nangyari rito? Bakit ang daming tao?"

"'Yung lalaki na may-ari ng kotse na 'yan. Inatake sa puso. Buti nakita ko."

"Ay, gano'n ba. Okay na siya?"

"Oo, itinakbo na sa ospital. Nalapatan naman ng first aid. Buti kamo may nursing student na napadaan."

"Ganoon ba. Buti naman." Tumango-tango si Cristine.

"Teka may pupuntahan ka?" dikawasa'y pansin niya sa pinsan, kasi bihis ito.

"Wala, pupunta lang sana ako sa inyo."

"Bakit?"

"May kukunin sana ako ro'n."

"Huh?"

Biglang lungkot ang mukha ni Cristine. Parang maiiyak.

"Okay ka lang?" Nabahala siya kaya hinila niya muna ang pinsan sa isang store at pinaupo.

"Alam mo kasi–" umpisa na ni Cristine sa pagpapahayag ng problema nito. "Hindi naniniwala ang boyfriend ko na buntis ako."

"Ano?!" Ang lakas ng naging boses niya. Hindi nga nagkamali ang kutob niya. Tama siya. May problema nga ang pinsan niya tungkol sa pinagbubuntis nito. Kawawa naman.

"Oo. Ayaw niyang maniwala baka raw gumagawa lang daw ako ng kuwento."

"Eh, g*go pala siya, eh!"

"G*go talaga! Kaya naisip ko bigyan siya ng ebidensiya para maniwala siya sa 'kin." Hindi na napigilan ni Cristine na hindi mapahagulhol sa sobrang sama ng loob.

"Eh, anong ebidensiya ang ipapakita mo sa kanya?"

"Matagal pa kasi bago lumaki ang tiyan ko kaya naisip ko ipakita na lang sa kanya 'yong PT ko para matapos na ang problemang ito. Kahit kasi mga magulang namin ay nagkakagulo na, eh."

"Nasaan 'yong PT mo? Ipakita mo na agad! Isampal mo sa pagmumukha niya! 'Yung magmamarka talaga para tuwing mananalamin siya ay makikita niyang may responsibilidad na siya sa 'yo!" Siya man ay nag-init na ang ulo sa walang kuwentang boyfriend ng pinsan. "Kakapal ng mukha! Tutusok tapos takot 'pag nakabuo!"

"Iyon na nga kaya pupunta ako sa bahay niyo."

"Huh? Bakit sa bahay?" maang na tanong niya.

"Nandoon kasi 'yong PT ko. Nasa kuwarto mo. Doon sa ilalim ng kama mo."

Napangiwi siya. "Talaga? Eh, ba't nandoon?"

"Hindi mo alam pero doon ako nag-PT noon sa kuwarto mo," nahihiyang pag-amin ni Critine. "Natakot kasi ako noong una na amining buntis ako kaya kahit pag-PT ko ay palihim kong ginawa."

Napatanga siya at may naalala siya. "Iyon ba 'yong araw na nadatnan kitang umiiyak sa kuwarto ko?"

Mahaba ang ngusong tumango si Cristine.

Natampal naman niya ang sarili niyang noo. 'Yon pala 'yon. Sabi nga ba niya at may mali sa pinsan niya noon, eh. Aisst!

"Siguro naman hindi ka pa naglilinis ng ilalim ng kama mo? Kasi doon ko naitapon 'yong PT noon, eh."

"At bakit naman doon?" Lumuwa ang mga mata niya. May lihim pala ang ilalim ng kama niya. Pambihira!

"Nagulat kasi ako noon sa 'yo dahil biglang pasok ka. Kaya 'yon naitapon ko sa ilalim ng kama mo 'yong PT "

"Ah, kaya pala. Hindi pa naman ako naglilinis, pero ewan ko lang kay Nanay kung naglinis siya."

"Gano'n ba?" Nalungkot lalo si Cristine. "Sige. Hindi bale dahil kapag wala na iyon doon ay bibili na lang ako ng bago."

"Oo, pero siguro naman hindi pa kasi kung naglinis na 'yon ay syempre makikita na niya iyon at syempre magtatanong sa 'kin iyon, 'di ba?"

"Ay, oo nga." Lumiwanag konti ang mukha ni Cristine.

"So, tara sa bahay?"

"Sige, tamang-tama rin pala ang punta mo rito."

Naglakad na silang magpinsan. Isang sulyap muna ang ginawa ni Yolly sa kotse ng lalaki na inatake sa puso. Pansamantalang ipinarada roon sa tabi ang kotse para kapag okay na ang may-ari niyon raw ay kukunin na lang doon.

Sana nga okay lang ang lalaking 'yon. Sana maayos na ang kalagayan nito ngayon kung naitakbo na sa pinakamalapit na ospital.

Kwentohan silang magpinsan habang naglalakad. Hindi na sila sumakay dahil medyo malapit naman na roon ang bahay nila.

"Kumusta naman kayo ni Andy?" tanong ni Cristine sa kanya.

"Okay lang. Mabait naman."

"Buti ka pa."

"Huwag kang mag-alala magiging maayos din ang lahat sa inyo ng boyfriend mo."

"Sana nga. Kaso tarantado 'yon, eh."

"Huwag mong sabihin 'yan. Baka nakakalimutan mo. Magiging asawa mo na siya."

"Sising-sisi ako, Yolly."

"Magsisi man tayo ay wala na tayong magagawa. Ang magagawa na lang natin ay isilang na malusog ang mga anak natin at alagaan sila hanggang paglaki."

"Tama ka," sang-ayon ni Cristine.

Nagngitian silang magpinsan. At least, tulad nilang dalawa ay magiging magkalaro din balang-araw ang mga anak nila.

Pagdating sa bahay nila ay diretso silang magpinsan sa silid niya. Agad nilang hinagilap ang Pregnancy Test Kit sa ilalim ng kama. Mabuti na lang nandoon pa.

Ang kaso'y anong pagtataka ni Cristine dahil nang tingnan nito ang PT na nakita nila sa ilalim ng kama ay iisa naman ang guhit niyon.

"Bakit?" tanong ni Yolly rito.

Hindi agad nakasagot si Cristine sa kanya dahil mas napatitig na ito sa PT. Sa isip-isip ni Cristine ay bakit gano'n? Bakit negative ang resulta ng PT? Eh, sigurado naman siyang positive ang resulta niyon noon.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon