Chapter 25: Nervous

1.4K 34 1

Nathan's Pov
 


Binalikan ko na si Ven Ven at  nakita ko siyang nakaupo sa may bench.

"Tan tan ubos na yung ice cream ko bili tayo ulit" nakangiting wika niya.

"Paano yan Ven Ven umalis na si Manong sorbetero " sabi ko. Nakita ko ang paglungkot ng mukha nya. Di ko pa naman nakakain itong ice cream ko kaya ibibigay ko na lang sa kanya.

"Ven Ven wag ka nang malungkot heto oh sayo na lang" sabi ko sabay abot ko sa kanya ng ice cream. Nakita ko naman na lumiwalas ang mukha niya.

"Talaga?"  masayang tanong niya. Ngumiti ako sa kanya at marahang tumango.

"Oo sayo na lang yan Ven Ven" sambit ko at ngumiti siya ng malapad.  Ang ganda niya talaga.

Tinitigan ko siya ng mabuti at ipinapangako ko sa sarili ko na siya ang magiging asawa ko at magiging ina ng mga anak ko.

"Tan tan may dumi ba ako sa mukha?" nagtatakang tanong niya. Ngayon ko lang napagtanto na nakatitig ako sa kanya kaya napatawa ako ng mahina.

"Wala naman. Teka  ang bilis mo kumain ah" natatawang sabi ko.

"Favorite ko kasi" sabi nya. Naalala ko na sa kanya ko ibibigay ang necklace na ibinigay sa akin ni manong kanina.

"Ven Ven talikod ka" sabi ko sa kanya at biglang kumunot ang noo niya.

"Huh? Bakit?" 

"Basta talikod ka" sabi ko. Tumalikod na siya at hinawi ko ang buhok niya na nagtatakip sa leeg niya. Sinuot ko ang necklace na binigay ni Manong. Sabi ni manong ibigay ko daw ito sa taong mahal na mahal ko kaya ko ito ibinibigay kay Ven Ven.

Naramdaman ko na nagulat siya kaya bigla siyang napaharap sakin at naglapat ang aming mga labi. Ang lambot ng labi niya. Siya ang first kiss ko at alam kong ako ang first kiss niya. Bigla siyang nagulat kayamedyo nahiya siya at tinignan na lang ang pendant ng necklace na ibinigay ko sa kanya. Damn, she's too cute.

"Nathan" mahinang tawag niya

"Bakit"

"Bakit mo ako binigyan ng kwintas?" tanong nya. Tinaas ko ang baba niya para magtama ang aming mga mata.

"Dahil ikaw ang bituin ko" simpleng sagot ko

"Huh?" naguguluhang tanong nya at bigla itong napanguso. Tss nababakla na ako.

"Ang hugis ng pendat na iyanay  isang buwan na may malaking bituin sa loob. Ako ang buwan na magpoprotekta at magmamahal sa bituing nasa loob nyan. No matter what will happen I will protect you until the day I die. You light up my dim world Ven Ven. You're my one and only star that I love" sabi ko sa kanya. Nakikita ko sa mata niya ang pagkalito.

My Cold Husband Is A Bad BoyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!