Ch. 32: Clarifications and a secret

197 10 0



Nathaniel Herrera


A week later.


"Morning prend," bati ko kay Steven nang dumating siya. Tinignan lang niya ako saka tumango bago umupo sa upuan niya. Binalik ko ang tingin ko sa notes ko, may quiz daw sa Physics mamaya kaya nagrereview ako. Maya-maya pa ay naamoy ko ang pabango ni Caile kaya nag-angat ako ng tingin. "Morning, El Presidente." tinignan niya rin ako saka tumango. Naiiling na binalik ko ang tingin ko sa notebook pero biglang hinablot ni Joshua iyon mula sa kamay ko.


"Anong meron?" tanong niya sa'kin.


"Quiz daw mamaya sa Physics, hindi mo narinig iyong sinabi ni Kylie?" hinarap ko si Steven at Caile. "Mga prend, magreview na kayo, hindi ako magpapakopya sa inyo."


"Kailan ka ba nakopyahan sa Physics, Nathe? Ikaw pa nga ang kumokopya minsan." nangbubukong sagot niya.


"Che." sagot ko at binalingan si Josh. "Amina na 'yang notebook ko, mag-aaral pa ako." hinablot ko ang notebook ko na hawak niya saka tumayo.


Lumabas ako ng room at naglakad pa-library. May 45 minutes pa bago magsimula ang first class kaya magrireview muna ako. Desidido akong pumasa kahit hindi naman pabagsak ang grades ko. Kunwari na lang grade conscious. 


Sa hallway ay nakasalubong ko si Rainbow. Gwapo as usual kaya't sandali akong napatigil.


"G-Good morning." bati ko sa kanya. Nagulat akong makita siya. Parang ang tagal na din kasi simula noong huli ko siyang makaharap.


Nagsmile siya. Lubog dimples. Shit, kinikilig ako.


"Good morning din." sagot naman niya.


"Hello, Rainbow, goooood morning!"


Sabay kaming napalingon ni Rainbow sa likuran niya dahil sa matining na boses na iyon. Hindi ko pa man nakikita ang pinagmulan ng boses ay agad nang nawala ang ngiti ko, kilala ko na eh.


"Good morning din Ishii." bati ni Rainbow nang makalapit ang babae. Napasimangot ako nang lumapit siya sa'min. Tinignan naman kami ni Rainbow. "Una na 'ko sa inyo, ah. Nice seeing you two." paalam niya saka kami iniwan. 


Tinignan ko si Ishii from head to foot. Mukhang kakarating lang din niya. Huling kita ko sa kanya eh one week ago, hindi nga talaga siya nagpakita sa'kin at hindi ko rin talaga siya nakita kahit na ba parehas naman kaming pumapasok. Hindi ko alam kung anong klaseng pagtatago ang ginawa niya.


"Parang ang tagal na pero one week palang naman." panimula niya nang makalayo si Rain. 


Wala sa sarili akong napatango saka bahagyang inilibot ang paningin ko sa ibang bagay. Is this possible? Iyong last week lang ordinaryong tao lang siya sa paningin ko then after a week of not seeing her parang naging special na siya sa paningin ko bigla? Insanity

He's Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon