Caela.

I am in front of the mirror, fixing my long snow-white hair. Ngayon ko lang napansin ang mga gold highlights sa buhok ko. Mukha tuloy akong ewan dito.

Ngayon kami pupunta sa Fire Kingdom katulad nga nang napag-usapan namin. I just wear fitted jeans and a plain black shirt, I'm not really a fan of dresses and skirts. I matched my outfit with my white sneakers. Yippee! I'm excited!

Ding dong. Ding dong. Ding dong.

Nagulat ako ng biglang tumunog ng sunod-sunod ang doorbell sa labas. Hindi naman siguro siya galit sa doorbell namin, no?

Nasaan na ba kasi sina Michie at Sophia? Hindi man lang binubuksan.

Narinig kong muli ang pagtunog nito kaya nagmadali na ako sa pag-aayos.

"Coming!" Sigaw ko at nagmamadali ng lumabas ng kwarto para buksan ang pinto. Mukhang inip na inip na ang tao sa labas.

Napawi ang ngiti ko nang makita ko kung sino 'tong taong galit sa doorbell. Binundol ng kaba ang puso ko nang bumungad sa akin ang nakabusangot at gwapo niyang mukha.

"What took you so long?" Asar na tanong niya.

"D...dash, ano ang ginagawa mo dito?" kinakabahang tanong ko sa kaniya.

Yes. Dashiell is here in front of me. Oh gosh Caela, get a hold of yourself! Nababaliw na naman 'yang puso mo.

"Tsk. Fetching you." Bored na sagot niya.

"Huh?" Seryoso siyang sinusundo niya ako?

"Do I really need to repeat myself?" Naiinis na naman na tanong niya.

"Tch. Sungit, para nagtatanong lang e." Bulong ko at inirapan siya. Napakasungit, parang laging may buwanang-dalaw. Samantalang kahapon may pangiti-ngiti pa siyang nalalaman! Bipolar lang?

"Hey, I heard you. Just hurry up! They already left."

"Huh?"

"Aish!" Bugnot na sabi niya,sabay hila sa kamay ko. Shit! Nakukuryente ako and I don't know why. Hindi naman lightning ang power niya, pero bakit may sparks?

"W...wait lang, Dash! 'Yung pinto isasa-" Ay bastos! Bigla na lang kasing sumara 'yung pinto. Nagpatuloy siya sa paghigit sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang magpatianod.

"Alam kong gustong-gusto mong hawak niya ang kamay mo!" Sigaw ng isip ko.

"Yeah! Alam kong kilig na kilig ka na diyan. 'Wag ka ngang pabebe!" Sabi naman ng puso ko.

Ay, wow! Pinagtutulungan nila ako.

"Tumahimik nga kayo!" Naiinis na saad ko.

"Tch. Crazy!" Narinig kong bulong ni Dashiell. Doon lang nagsink-in na napalakas pala ang pagkakasabi ko.

Talking of kahihiyan?

"Hoy, I'm not crazy! Grabe ka!" Singhal ko sa kaniya sabay bawi ng kamay ko. Asar!

"Tss. I didn't say that it was you. You just reacted." Ganting sagot niya at nakuha pang humarap sa akin. At hindi lang humarap, nakipagtitigan pa talaga siya. Pinamulahan ako dahil sa ginagawa niya.

*Tug, tug*

"Eh, b...bakit bigla-bigla kang magsasabi ng crazy? K...kung hindi ako ang sinasabihan mo, sino? Tayo lang naman ang magkasama dito." Mahabang sagot ko.

Umiwas na din ako ng tingin sa kaniya. Pinagpapawisan at kinakabahan ako sa kilos ng Lockridge na 'to!

Kung tutuusin hindi naman big deal sa akin iyon, wala lang! Gusto ko lang marinig ang boses niya dahil baka kasi mapanis na. I'm just a concerned citizen. Hehe.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!