Chapter 20: The Four Bad Boys

65 8 3
                                                  

Cherraine's POV

"Beb!" Allyson screamed.

Napatakbo ako sa direksiyon niya.

"Ano'ng nagyari, bhe?" nag-aalala kong tanong sa kanya. Nakaupo siya sa sahig at may disgustong nakatingin sa dulo ng paa niya. Lumuhod ako sa tabi niya at tiningnan ko 'yon.

"Ew—Aray!" hinaplos ko ang ulo ko. Binatukan ba naman ako.

"Ano ka ba, it's disgusting! Alisin mo na," angal niya na parang bata.

Oo, may kaartehan rin 'to si Allyson pero sa mga bagay o insekto lang na MARUMI. Gets?

Tiningnan ko siya at talagang nandidiri siya. Napangiwi ako. Ako rin naman, ah?! Bumuntong-hininga ako. Pero dahil mahal ko siya—

"Anong nangyari?" tanong ni Makki mula sa likuran ko.

I didn't look but I answered. "Wala naman, meron lang ditong 6 legged insect, ewan ko kung ano 'to."

"Tangalin mo na, please. Ugh! Ipapakulam ko talaga 'yon si Sir! Pati na nag mga estudyanteng walang malay na—"

Makki pathetically laughed out loud, cutting Allyson from speaking.

Napangiwi ako. Before I could reprimand him, Ally, in irritatwd tone, shouts at him,

"Umalis ka nga dyan, Makki!"

Hindi ko muna sila pinansin. Inabot ko ang isang papel sa nakapumpong mga basura sa malapit. Ginamit ko 'yon para tanggalin ang insekto. "O, ayan, wala na."

"Yes! Thank you!" mabilis siyang tumayo at tinulungan rin akong tumayo. She gave Makki a glare and she sat at the nearest bleacher.

"Nakakapagod na, halos tatlong oras na tayong naglilinis," bumuntong-hininga siya.

Nginitian ko siya although hindi niya naman nakita. Nakatungo kasi siya at parang ang lalim ng iniisip.

Makki and I both shared a look. Nag-aalala siyang tumango at lumapit kay Ally. Ganun rin ang ginawa ko. Umupo ako sa tabi ni Allyson, sa kaliwa niya. Si Makki ay sa kanan pero medyo malayo.

"Ally..."

Bigla siyang nag-angat ng tingin at ngumiti; brightening up her whole face. Napangiti rin ako. Seeing her smile was contagious.

Gusto kong laging ganun siya, nakangiti. Hindi gaya no'ng una naming pagkikita, noong una ko siyang makita. She looked so sad and alone.

"I'm okay," she wrinkled her nose and crossed her arms. Tumingin siya ng diretso. Makki gave me a worried look. Itinirik ko ang mata ko sa kanya.

"Alicat—" Makki started but he was interrupted by Ally.

"Iniisip ko kung pano ako hahanap ng mangkukulam, sa'n kaya 'yon, beh?" tanong niyang napakaseryoso.

Umalingawngaw ang tawa ni Makki sa buong gym bago pa man ako makasagot.

"Aw! Aray, Ally—not my hair," natatawa pa ring pag-iwas ni Makki sa mahahabang daliri ni Ally.

"Shut up! Ugh! I hate you!" nangangalaiting sigaw ni Ally habang sinasabunutan si Makki.

Napangiti na lang ako sa kanya, sa kanilang dalawa. Masaya akong nagbalik na si Allyson sa dati. Amasona, makulit, seryoso. Sana magpatuloy na.

Noong sabado pa lang ay nahuli na ang lalaking nagtangkang gumahasa kay Ally. Agad nahanap ng mga pulis kasi may lead na sila.

Dati na palang kriminal ang lalaking 'yon. Nakulong na at kalalabas pa lang no'ng isang buwan. Tapos kulong na naman ulit. Ginawa ni Kuya Jace ang lahat para lang tumagal ang lalaking 'yon sa presinto.

Help, Nalulunod Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon